Accident Sinisiyasat ng isang pulis ang biktima matapos mangyari ang trahedya sa Tondo, Manila. Kuha ni JON-JON C. REYES

Field marshal dedo sa hit and run ng van

May 9, 2023 Jonjon Reyes 371 views

FIELD MARSHAL PATAY SA HIT & RUN NG CLOSE VAN..

ISANG 25 anyos na rider at field marshal ang nahagip at nabiktima ng hit and run makaraang masagi ng van Miyerkules ng madaling araw sa Velasquez Street, Tondo, Manila.

Nakilala ang biktimang si Christian Darren Isla, ng Juan Luna Street, Gagalangin, Tondo.

Patuloy ang imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit ( MDTEU) upang makilala ang suspek na driver.

Ayon sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, hepe ng Investigation Unit ng MDTEU, bandang 5:10 a.m. nang aksidenteng masagi ng van ang minamanehong motorsiklo ng biktima habang pareho nilang tinatahak ang southbound lane ng Velasquez Street.

Sumemplang ang biktima at nagulungan ng van. Agad itong namatay.

Ang bangkay ng biktima ay pansamantalang inilagak sa Sanctuary Funeral Morgue para sa kaukulang awtopsiya habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ni Police Corporal Allanion Dela Cruz Aquino, may hawak ng kaso.

AUTHOR PROFILE