
FFCCCII naghandog ng booster jabs
NAGSAGAWA ng pagbabakuna ng booster shots ang Justice Jose Abad Santos General Hospital sa gusali ng opisina ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) kung saan umabot sa mahigit 400 na Filipino at Filipino-Chinese ang nabakunahan.
Pinangasiwaan ng Justice Jose Abad Santos General Hospital medical team sa pamumuno ni hospital director Dr. Merlie Sacdalan ang pagbabakuna sa mga nasabing individual sa tulong naman nina CEO PGFLEX Nelson Guevarra na siyang External Affairs officer ng FFCCCII at Secretary General Dr. Fernando Gan at Barangay Chairman Jefferson Lau ng Brgy 281.
Ayon kay CEO PGFLEX Nelson Guevarra nakahanda silang tumulong sa mga mamamayan sa mga magpapabakuna sa area ng Binondo at hindi lamang sa pagbibigay ng ayuda ang kanilang misyon kundi maging pangkalusugan para sa lungsod ng Maynila ay handa nila itong ibigay.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga Pinoy at Chinoy sa isinagawang pagbabakuna ng booster sa kanila para maiwasan ang pagdami at pagkalat ng sakit na Omicron at Delta variants na COVID-19.
Ang ginawang booster shot drive sa FFCCCII ay sinuportahan naman ng Manila City Health Department sa pamumuno ni Dr. Arnold “Poks” Pangan at sa pakikipagtulungan ng mga opisyal ng FFCCCII na sina Dr. Henry Lim Bon Liong, Dr. Cecilio Pedro Secretary General Dr. Fernando Gan, External Affairs Committee Chair Nelson Guevarra, Asst. Secretary General Gino Villanueva Chen at mga miyembro. Jon-jon Reyes at C.J Aliño