
Fetus na lalaki iniwan sa Sto. Domingo church
ISANG lalaking fetus na nakasilid sa paper bag ang natagpuan sa Sto. Domingo Church sa Quezon City noong Miyerkules.
Sa report ng La Loma police station, dakong alas-6:50 ng gabi nang matagpuan sa simbahan sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City ang fetus.
Nadiskubre ang fetus mula sa masangsang na amoy na nalalanghap ng church usherette na si Mercy Reyes.
Sa kanyang paghahanap ng mabahong amoy, natagpuan niya ang pink na paper bag na naglalaman ng kawawang unborn baby.
Ipinagbigay alam ni Reyes ang natagpuan niya sa pamunuan ng simbahan at sa pulisya.