
Fetus ginawang ‘sanitary napkin’
ISANG ina ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad matapos na mistulang ginawang gamit na sanitary napkin ang kanyang limang-buwang fetus at isinilid ito sa eco-bag saka tinapon sa bakanteng lote sa San Joaquin, Santo Tomas, Batangas nitong Martes.
Ayon sa ulat ng PNP, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa Violence Against Women and Children (VAWC) desk ng barangay hinggil sa pagkakatagpo ng fetus sa loob ng isang kulay green na eco-bag at iniwan sa isang bakanteng lote.
Agad nagtungo sina Women and Children Protection Desk investigators Police Corporals Arvin Olis at Maricel Malabuyuc sa barangay upang magsagawa ng imbestigasyon.
Sa ngayon, blanko parin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan sa magulang ng sanggol.
Ang sanggol na may habang walo hanggang siyam na pulgada ay dinala sa Eternal Homes Cemetery upang mabigyan ng maayos na libing.