Ian

Female celebrity, nakakapanibago ang mukha

December 28, 2022 Jun Nardo 282 views

NANIBAGO kami sa hitsura ng isang female celebrity nang huli naming nakita. Tila may nabago o binago sa kanyang mukha, huh!

Matagal na naming kilala si female celeb kaya more or less, eh, kabisado na namin ang mukha niya, huh!

Tumahimik na lang kami nang binati niya kami. Parang hindi ganoon ang hitsura niya dati.

Ah, baka may kinalaman ang pagbabago ng mukha niya sa bagong mundo na pinasukan niya, huh!

FIRST-TIME MMFF WINNERS

KAPWA first-time winners sa Metro Manila Film Festival (MMFF) acting awards sina Nadine Lustre at Ian Veneracion.

Winners sina Nadine Lustre sa pelikulang Deleter at Nanahimik ang Gabi na halos pareho ang tema – techno-horror at suspense thriller.

Sa mga kampi naman sa family drama na Family Matters, parang inisnab daw ito ng jurors sa Gabi ng Parangal ng 2022 MMFF.

Buti pa nga raw ang Mamasapano, tinanghal na third best picture habang bokya ang Family Matters kahit magaganda ang reviews ng pelikula.

Kayo naman, hindi na kayo nasanay sa Gabi ng Parangal tuwing Metro Manila Film Festival. Nangyari na ‘yung sinasabi nilang hindi deserving ay nanalo ng awards.

Huwag mo nang isa-isahin, Ian F.! Hahaha!

Mas mabuti na ‘yung kumita ang movie kesa magkaroon ng awards, huh!

At magaling naman talaga si Nadine sa Deleter.

AUTHOR PROFILE