Zacate

FDA: Aplikasyon sa suplay ng Avian Flu, ASF vax wala pa

February 13, 2024 Chona Yu 137 views

WALA pang pharmaceutical company ang nag-aapply para mag-supply sa Food and Drug Administration (FDA) ng Avian Flu at African Swine Fever vaccines, ayon kay FDA Director General Samuel Zacate.

Sinabi ng opisyal na mayroong tatlong dayuhang kompanya ang maaaring mag-suplay ng bakuna.

Galing sa Vietnam ang isa sa mga kompanya na interesado.

Sinabi naman ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na magkaroon na sana ng sariling testing process ang DA para sa mga bakuna.

“That’s the reason why we wanted, sana po magkaroon na lang kami ng sarili naming testing (facility), especially for agriculture na hindi na lang kasama ang FDA.

But anyway, iyan talaga ang government process and mayroon nang nagdadala dito. Nagsarili sila at nag-experiment sila at successful naman sila but it is not commercialized,” pahayag ni Navarro.

Nagsagawa na daw ng expirement ang dayuhang pharmaceutical company at tagumpay naman ang pagbabakuna sa mga baboy at manok.

AUTHOR PROFILE