Ogie

Fans, natuwa sa pagdalaw ni Ogie kay Kris

August 30, 2023 Vinia Vivar 72 views

Ikinatuwa ng fans na naisingit pa ni Ogie Alcasid na dalawin ang kumare at kaibigang si Kris Aquino sa Los Angeles, California kahit na abala siya sa Kilabotitos US and Canada concert tour.

Ibinahagi ni Ogie sa Instagram ang larawan niya with Kris’ sons, Joshua and Bimby na obviously, dumalaw siya sa mag-iina habang nasa California siya.

Makikita sa larawan na napapagitnaan si Ogie ng dalawang higanteng anak ni Kris.

“It was so great to see Josh and Bimby today. Two wonderful gentlemen who have the outmost concern and care for their mother who is my dear kumare,” ang simula ng caption ni Ogie.

Sinabi rin ng mister ni Regine Velasquez na masaya siya na nakasama niyang mag-pray si Kris para sa healing nito.

“Mare, i post this to send my family’s love for you and your family. I am happy that i was able to pray with you today to seek for the Lord and his healing upon you. The Lord bless you and keep you and your family,” ang mensahe ni Ogie kay Kris.

Sa comment section ay nagpasalamat ang fans ni Kris sa pagbisita ni Ogie sa kanilang idolo at na-touch sila sa ginawa ng singer.

AUTHOR PROFILE