Fans nag-aalala para kay Kim dahil kay Paulo
NATUTUWA ngayon ang mga tagahanga nina Kim Chiu at Paulo Avelino dahil pagkatapos ng dalawa nilang hit primetime TV series, ang “Linlang” at ang Philippine adaptation ng Korean hit TV series na “What’s Wrong with Secretary Kim,” ang dalawa ay muling magtatambal, this time their first time sa pelikula sa pamamagitan ng “My Love Will Make You Disappear,” isang romantic-comedy film na pamamahalaan ni Chad Vidanes under Star Cinema. Said project ay inanunsyo ni Kim sa “It’s Showtime” program last August. Ito’y concept ni Prime Cruz written by Patricia Valencia and Isabella Policarpio. Kasama rin sa movie sina Wilma Doesnt, ang mag-asawang Lovely Abella at Benj Manalo, Karisa Bautista, Martin Escudero at iba pa.
Mainit ngayon ang tambalan nina Kim at Paulo kaya `strike while the iron is hot’ ang mga taong nagpapatakbo ng kanilang respective careers.
Tila nag-level up na rin ang relasyon ng dalawa at marami ang naniniwala na tuluyan nang nakapag-move on si Kim sa kanyang past break-up with her ex-boyfriend of 12 years na si Xian Lim.
Habang mainit ngayon ang tambalan nina Kim at Paulo o ng KimPau, natatakot lamang ang mga fans ni Kim na baka mauwi rin sa break-up ang loveteam ng dalawa dahil hindi umano nagtatagal si Paulo sa kanyang mga nakaka-relasyon, that is kung kay relasyon na ang dalawa.
Kung tutuusin, pareho nang nasa marrying stage sina Kim (34) at Paulo (36) at pareho na ring stable ang kanilang respective careers.
Hindi pala guarantee ang ang matagal na pakikipag-relasyon bilang magkasintahan tulad nina Kim at dati nitong nobyo na si Xiam Lim dahil kahit umabot ng 12 ang kanilang relasyon ay nauwi pa rin ito sa hiwalayan.
Si Paulo ay may 14-year-old son sa New York-based (former) GMA actress na si LJ Reyes na may asawa na ngayon at sa Big Apple na rin naka-base kasama ang dalawa niyang anak na sina Aki (Ethan Akio) – 14 at si Summer Ayana -4 (sa Kapuso actor na si Paolo Contis).
Samantala, patuloy na nakaabang ang KimPau fans kung sa tototong buhay mauuwi ang relasyon ng dalawa.
Donny at Belle pinagtagpo ng tadhana
MAY sadyang nakatadhana para sa Kapamilya matinee idol na si Donny Pangilinan. Nung 2018, sinubukan ang tambalan nina Donny at ex-PBB housemate na si Kisses Delavin. Unti-unti na sana itong nakakabuo ng sarili nilang fandom nang mag-desisyon ang huli na lumipat ng GMA kaya maagang nabuwag ang kanilang binubuong tambalan noon.
Nang maiwan si Donny without a loveteam, hindi naman inaasahang kakagatin ang kanilang tambalan ng dating “Goin’ Bulilit” child star na si Belle Mariano
Taong 2012 nang maging bahagi si Belle sa hit kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at nang siya’y gramadweyt sa programa ay madalas naman siyang mapasama sa iba’t ibang TV series ng Kapamilya Studios kung saan nahasa nang gusto ang kanyang acting.
In 2016 ay naging VJ si Donny sa MYX music channel ng ABS-CBN. Matapos hindi tumagal ang team-up nina ni Kisses Delavin ay siya namang paglitaw ng tambalan nina Donny at Belle na hindi inaasahang kakagatin ng kanilang mga fans.
Pinagtambal ang dalawa sa iWant TFC original series na “He’s Into Her” nung 2021 based on Wattpad novel ni Maxine Lat. Naging matagumpay ang nasabing serye kaya ito’y nagkaroon ng season 2 in 2022. Ito’y sinudan ng kanilang digital movie na “Love is Color Blind” and their first theatrical release movie na “An Inconvenient Love” under Star Cinema na naging hit sa takilya.
Ang nasabing pelikula ay nanalong Best Asian Feature Film/Telemovie category at the ContentAsia Awards nung August 2023.
Dahil sa lalong umiinit na tambalan nina Donny at Belle, muling pinagtambal ang dalawa sa TV series na “Can’t Buy Me Love”. May follow-up project ngayon ang dalawa, ang “How To Spot A Red Flag” series produced ng Dreamscape Entertainment for ABS-CBN and Viu streaming app.
Magkaiba man ang naging journey nina Donny at Belle sa kanilang pagsisimula sa showbiz, pinagtagpo naman sila ng pagkakataon at sila ang itinadhanang maging loveteam.
Samantala, nasaan na kaya ngayon ang unang ka-loveteam ni Donny na si Kisses Delavin?
Bukod sa ito’y sumali sa Miss Universe Philippines kung saan siya pumasok sa Top 10, napag-alaman namin na ang ex-PBB housemate-turned singer-actress na si Kisses ay kasalukuyang nasa Amerika kung saan ito nag-aaral ngayon. Wala rin kasing nangyari sa kanyang career nang ito’y lumipat ng GMA. \
Maja pasabog ang pagbabalik sa ‘ASAP’
SINGER, dancer, actress and entrepreneur Maja Salvador made a surprise performance on “ASAP Natin `To” last Sunday, October 13 where she rendered a special dance number with the G-Force Dancers to celebrate her 36th birthday. Ito bale ang first appearance ni Maja on the show matapos itong umalis sa programa in 2021 kasama sina Piolo Pascual, Catriona Gray, Donny Pangilinan, Ricci Rivero at Jake Ejercito to topbill “Sunday Noontime Live” on TV5 na katapat mismo ng “ASAP Natin `To”. The program was produced by Brightlight Productions and directed by Johnny Manahan, dating head ng Star Magic ng ABS-CBN. Umabot lamang ng tatlong buwan ang programa. Nakabalik sa bakuran ng ABS-CBN sina Piolo, Donny at Jake pero natagalan si Maja who put up her own talent management compay, ang Crown Artist Management (CAM) sa tulong ng kanyang husband na ngayon na si Rambo Nunez.
Almost three years din ang nakalipas bago muling nakatuntong si Maja sa stage ng “ASAP Natin `To” where she used to be a mainstay along with Piolo and the rest of “ASAP Natin `To” family.
May usap-usapan na babalik na umano si Maja sa ABS-CBN kaya hindi imposibleng maging bahagi siyang muli ng Sunday musical variety show na “ASAP Natin `To”.
James babalik na sa pag-arte
NA-REALIZE marahil ng ex-PBB Big Winner, ang singer, actor, record producer at president-CEO ng Careless Music na si James Reid na kailangan niya ang backing ng isang major outfit tulad ng ABS-CBN para mapanatili niya ang kanyang popularity.
Twice nang napanood ang dating ka-loveteam at ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James sa “ASAP Natin `To,” isang senyales na ito’y nagbabalik sa tulong ng ABS-CBN.
May mga lumulutang na balita na babalikan din umano ni James ang kanyang acting career na nahinto nang magkahiwalay sila ni Nadine at nang siya’y kumalas sa bakuran ng Viva na siyang nangangalaga dati ng kanyang career para mag-concentrate sa kanyang itinatag na Careless Music nung 2017.
Samantala, it was last month nang i-anunsyo ng kumpanya ni James na wala na umano sa pangangalaga ng Careless Music ang dati nilang contract star na si Liza Soberano. In fairness to James’ company, may nagawa naman sila for Liza’s career kaya napasok nito ang Hollywood at international scene.
Ang dating ka-loveteam at ex-girlfriend (?) ni Enrique Gil ay lumagda na ng kontrata sa kanyang bagong talent management agency, ang Singapore-based na Wild.
Marami rin ang naniniwala na hiwalay na rin si Liza sa kanyang (dating) nobyo at former loveteam na si Enrique Gil dahil wala sa Plipinas ang focus ngayon ng dating Kapamilya star.
SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.