Fans kinilig sa ka-sweet-an ng MarVen
Matapos kumpirmahin nina Marco Gallo at Heaven Peralejo ang kanilang relasyon last November, sweet na sweet pa rin ang celebrity couple base sa latest post ng aktres.
Nag-upload si Heaven ng mga sweet photo nila ni Marco at kitang-kita nga sa larawan kung gaano sila kasaya sa piling ng isa’t isa.
Sa caption ay nagbigay ng napaka-sweet na mensahe ang aktres para sa boyfriend.
“Amidst all the chaos, you’re my calm. Thank you for not only being by my side but also capturing every moment so beautifully through your lens. Your support, both behind the camera and in life, means everything to me,” ang message ni Heaven for Marco.
Winner din naman ang sagot ng aktor sa comment section. Aniya, “You’re the best plot twist I could ever ask for.”
Sabihin pa, kinilig nang bongga ang fans ng dalawa at masayang-masaya rin sila for the couple.
Matatandaang last November 25, the showbiz pair made their relationship Instagram official nang magpalitan sila ng “I love yous” sa birthday greetings ng aktor para sa girlfriend.
“Happy 25th birthday mahal, can’t be more proud of you,” ang pagbati ni Marco kay Heaven.
Sinagot naman ito ng aktres ng “I love you. wish you were here.”
Sagot ni Marco, “I love you too.”
Bago ito ay matagal-tagal na ring ispekulasyon na may relasyon ang dalawa pero hindi nila ito kinukumpirma.
Nagsimula silang ma-link last year nang magsama sila sa Viva One mini-series na “The Rain in Espana.”