Quen

FANS AT FRIENDS, IKINATUWA ANG PAGSOSOLO NI ENRIQUE

August 29, 2023 Vinia Vivar 243 views

Maraming fans at friends ang natutuwa na nagsimula nang gumawa ng solo project si Enrique Gil matapos mabuwag ang loveteam nila ni Liza Soberano.

Natapos na nga kasing gawin ng aktor ang first solo movie niya na I am Big Bird na kinunan pa sa Thailand.

Isa ang dati nilang manager ni Liza na si Ogie Diaz sa mga natutuwa na nagmo-move-on na si Quen.

“Tuwang-tuwa ako para kay Quen kasi nagbalik na siya after three years ng kanyang pananahimik. Kasi medyo nag-ano sila sa pandemya, eh. Huminto talaga siya, eh,” sey ni Ogie sa kanyang vlog.

Nag-focus nga raw si Quen sa negosyo noong kasagsagan ng pandemya at ngayon lang ulit bumalik sa pag-arte.

“Kaya tama ‘yan, ano? Malay mo naman, maging successful itong kanyang pagso-solo, o di magsunud-sunod na. Tapos, sundan na niya ng teleserye,” sey pa ni Ogie.

Pwede na rin daw sumubok si Quen ng ibang kapareha after Liza at mag-move forward na, kumbaga.

“Siyempre, ‘pag bumongga itong I am Big Bird, siya si Enrique Gil, kayang tumayo sa sariling paa,” ani Ogie.

Well, agree naman kami. It’s about time na patunayan ni Quen na kaya niyang magkaroon ng career even without Liza.

AUTHOR PROFILE