David Licauco

FAN, NAIINIS NA SA ‘FAN SERVICE’ NG BARDA

February 17, 2024 Vinia Vivar 241 views

Nanawagan ang isang fan ni David Licauco na itigl na ng aktor ang “fan service” o pagpapakilig sa BarDa fans dahil hindi na nakakatuwa at nakakaumay na.

Ang BarDa ay ang loveteam nina David at Barbie Forteza.

Matatandaang sumikat ang tandem ng dalawa sa seryeng Maria Clara at Ibarra mula 2022 to 2023 and since then ay naging opisyal na ang kanilang tambalan.

Dahil nga marami ang kinikilig sa BarDa, panay din ang pakilig nila sa kanilang fans.

Pero ang solid fans ni David ay hindi pala ito ikinatutuwa dahil alam naman nilang may boyfriend si Barbie sa totoong buhay at ito nga ay si Jak Roberto.

Sa guesting ng BarDa kamakailan sa show ni Boy Abunda, nagpakilig na naman ang dalawa kaya nanawagan na kay David ang kanyang solid fan.

“An open letter to David Licauco as a fan Unsolicited opinion to pero concerned lang sa iyo, David. we love you, but can you stop the fan service, @davidlicauco, please? because it is overused and many people are tired with it,” ang panawagan ng tagahangang si Em Em sa X (dating Twitter)

Sey pa niya, si David ang napapasama dahil sa fan service na ito simply because may BF nga si Barbie.

“Tingin nila, naglalandi ka sa babaeng may karelasyon na kilala rin ng mga tao. Ikaw ang napapasama. Period. People will just scratch the surface level, they will never bother to dig deep, bc they’re not really fans per se, they’re just casuals who happen to know you as an artista, unlike those fans who watch and follow you every day. and for doing the fan-service, you are labelled as boy best friend, mang-aagaw, spouting not so good words. For solid D stans, it’s bullsh*t accusation, and it’s unfair,” aniya.

Oh well, ano kaya ang masasabi ni David tungkol dito?

AUTHOR PROFILE