Default Thumbnail

Family driver natagpuang dedo sa kotse

February 10, 2023 Jonjon Reyes 249 views

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ang 59-anyos na family driver sa loob ng sasakyan habang nakapark sa gilid ng kalsada sa Sampaloc, Maynila, Huwebes ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, ang biktima, may ka-live-in tubong San Francisco, Nueva Ecija at stay-in driver sa panulukan ng Amugis at Amaya, Project 3 Quezon City.

Ayon sa ulat ni Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 11:40 ng umaga, nang madiskubreng patay ang biktima sa Sampaloc sa lungsod.

Nabatid sa report ni Det. Jaime Balang, ng MPD España Police Community Precinct (PCP), nakatanggap sila ng tawag sa nasabing insidente kaya agad na nagresponde sina Turla at ilan nitong tauhan.

Dumating din ang mga tauhan ng MPD Forensic Unit upang mangalap ng mga ebidensiya kung may foul play sa natagpuang biktima at naabutan nila ang dalawang tauhan ng PCP na sina P/Cpl. Rennald Marcos at Pat. Jayvee Del Rosario na nakakordon na ang pinangyarihang lugar.

Ayon sa pulisya, nangako ang amo ng biktima na sasagutin nito ang mga gastusin at sa pagpapalibing sa empleyado.

AUTHOR PROFILE