Fake rapid test kits nasamsam sa Quiapo

January 22, 2022 Jonjon Reyes 138 views

MAGKAKASANIB na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI), Bureau of Customs (BOC) at Philippine Coast Guard (PCG) ang sumalakay sa warehouse sa may Quiapo, Manila na may mga umano’y pekeng rapid test kit at timbog ang isang Chinese national na online seller nitong Biyernes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Cai Lhi Chao at narekober ang nasa P250,000 na halaga ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) rapid test kits.

Batay sa report ng NBI, bandang 1:45 ng hapon nang salakayin ang warehouse sa 555 Carlos Palanca Sr. St. sa Quiapo.

Lumitaw sa ulat ng NBI na ang nasabing mga test kit ay hindi umano aprubado ng Food and Drug Administration at napagalaman na wala rin umanong kaukulang business permit ang suspek.

Dahil dito, nahaharap sa kaukulang kaso ang nasabing Chinese national na nasa kustodiya ng NBI. Ito ngayo’y nasa NBI detention cell. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE