Fake account ni Chelsea sa X deactivated na
Nilinaw agad ni Miss Universe Asia 2024 Chelsea Manalo na wala siyang X account.
Mayroon na kasi agad nakagawa ng account niya sa X at nag-post pa ng statement hinggil sa pagkakatalo niya sa katatapos na Miss Universe 2024.
Mabuti na lang at nakarating agad kay Chelsea ang tungkol dito kaya agad niya itong pinabulaanan bago pa man maniwala ang marami.
“Hello, everyone! I don’t currently have an X account. This isn’t my official profile,” paglilinaw ni Chelsea sa kanyang Instagram Broadcast Channel.
Makikita rin sa post ni Chelsea ang screenshot ng fake account at fake post nito.
Nakasaad sa post na, “I did my best, but my best wasn’t good enough. Sorry Philippines. But, thank you all for all the love and support. I wouldn’t be here without any of you. Everything happens for a reason. Our time will come, maybe next year…”
Sa ngayon ay deactivated na ang nasabing fake account sa X.