Faith

Faith hindi raw nanligaw sa lalaki

September 22, 2023 Aster Amoyo 154 views

NAIKUWENTO ni Faith Da Silva na gusto niyang maranasan muli na makipag-date. Nai-share niya ang hindi niya malilimutang date na inaya niya ang lalaki na kumain sa karinderya.

“I was still young, siguro mga 17 o 18 years old. Meron akong guy best friend, and super close talaga kami. Feeling ko kahit paano meron din kaming feelings toward each other, pero walang umaamin,” sabi niya.

Hanggang sa si Faith ang mag-aya ng date.

“So magva-Valentines na, sabi ko sa kaniya ‘Bakit hindi tayo mag-date? Katuwaan lang, eme emehan lang.’”

Ngunit ikinagulat ni Faith na noong mismong Valentine’s Day, sinundo siya ng kanyang best friend.

“Sa loob ng car niya merong stuffed toy, may camera, may balloons. So parang na-overwhelmed ako na ‘Hala akala ko trip trip lang ito, bakit masyadong seryoso na?’ Pero na-appreciate ko ‘yun kasi wala pang gumagawa sa akin noon ever,” sabi ni Faith

Matapos mag-lunch, pumunta sina Faith at ang kaniyang best friend sa isang museum at nagsimba.

“After that, dinner time na. Hindi pa siya nakaka-try kumain ng food from karinderya. Sabi ko sa kaniya ‘Ipa-try ko sa iyo for the first time para iba ‘yung experience mo,’” ani Faith.

“Kumain kami sa karinderya. Nakikita ko na nag-e-effort talaga siya para makibagay sa akin. Kasi siyempre laking San Andres Bukid ako, so ‘yung mga trip ko in life baka hindi niya ‘abot.’”

Noong matatapos na ang date, tila pag-ibig na ang naramdaman ni Faith sa kanyang best friend.

“Noong pauwi na kami, iba na ‘yung nafi-feel ko talaga. Sobrang na-appreciate ko na siya and nagkakaroon na ako ng second thoughts kung gusto ko bang maging single or mag-in a relationship na with this person,” anang Kapuso actress.

Nasa gitna sila ng EDSA nang sinabi ni Faith na may sasabihin siya sa kanyang best friend. Itinigil naman ng lalaki ang kotse sa gitna ng EDSA.

“Sabi ko ‘Would you like to be my boyfriend?”, at doon na naging sila ng kanyang best friend.

“Hindi naman po ako ‘yung nanligaw, ako lang po ‘yung nagtanong. And then after that he said ‘I’d love to.’”

Naging sila ng kanyang best friend ng mahigit isang taon.

Iya: Hindi ako buntis

Iya
Screenshots mula sa TikTok/@iyavillania29

ILANG netizens ang naghinala na buntis muli ang Chika Minute host na si Iya Villania matapos siyang mag-post ng dance number sa trending song sa Tiktok na “If It’s Lovin’ That You Want.”

Sa video, mapapanood si Iya na nakasuot ng puting sleeveless top na may ruffles mula sa kanyang kanang balikat hanggang sa kaniyang tiyan.

Nagbigay ito ng ilusyon na mayroon siyang tummy bump dahil na rin sa pleats.

“Another blessing na naman sana all,” pagbati ng isang netizen.

“Congrats po mukhang wala po byahe si Drew,” sabi naman ng isa pa.

May mga nagtanong din kung buntis nga ba si Iya.

Sa kanyang reaction video, itinanggi ni Iya ang hinala ng netizens, habang ipinakikita ang comments.

“For the record, no, I am not,” natatawang sabi ni Iya. “So, thank you for these comments guys.”

Matatandaan na nagbiro kamakailan sina Iya at Drew tungkol sa pagkakaroon nila ng baby number 5.

Mayroon silang apat na anak, na sina Primo, Leon, Alana, at Astro.

Kate sobra ang paghahanda para sa bagong series

IPINAKILALA na ang star-studded cast ng upcoming Philippine adaptation ng hit K-drama series na ‘Shining Inheritance’ sa naganap na story conference kamakailan.

Ang ‘Shining Inheritance’ ay kilala rin bilang ‘Brilliant Legacy’ na napanood sa Kapuso network noong 2009.

Isa sa lead stars ng upcoming series ay ang Sparkle actress na si Kate Valdez.

Ibinahagi ni Kate na palaban ang kanyang gagampanang karakter sa Philippine adaptation nito.

“Palaban po ‘yung character ko rito pero hindi pa-kontrabidang palaban. Palaban siya because of survival instincts,” pagbabahagi niya.

Masaya si Kate na mapabilang sa cast ng ‘Shining Inheritance’ at excited na siyang makatrabaho ang kanyang co-stars.

“Excited ako and I feel so blessed and happy na isa po ako sa napili na mag-portray ng isang role dito sa Shining Inheritance. Excited ako sobra na makatrabaho ‘yung mga actors na hindi ko pa nakakatrabaho. Mostly dito, si Kyline and si Paul pa lang ‘yung nakaka-work ko and the rest hindi pa. So I’m very excited and happy and blessed.”

Ayon pa kay Kate, kabilang sa kanyang gagawin na paghahanda para sa role niya sa serye ay ang pagsailalim sa acting workshop.

“Memorizing the script, familiarization, workshop, and relationship workshop with the other actors din,” sey ng Kapuso star.

Ang ‘Shining Inheritance’ ay pagbibidahan nina Kate Valdez, Kyline Alcantara, Michael Sager, Paul Salas, at Ms. Coney Reyes.

Makakasama rin sina Glydel Mercado, Wendell Ramos, Aubrey Miles, Roxie Smith, Seth Dela Cruz, at Charlize Ruth Reyes.

AUTHOR PROFILE