Face to face classes malabo pa!

July 14, 2021 Vic Reyes 201 views

Vic ReyesMABILIS na kumalat sa buong daigdig ang COVID-19 at nag-iibang anyo pa.

Ang nakakatakot, mas mababagsik ang mga nagsusulputang bagong variant.

Ngayon nga pati mga musmos ay tinatamaan ng COVID-19.

Ang balitang ito ay lumabas pagkatapos na payagan ng gobyerno na puwede ng lumabas ang mga batang limang gulang pataas.

Paano pa magkakaroon ng face-to-face classes eh mga bata na ang nagkakasakit ng COVID-19?

Mukhang matagal pang maibabalik sa normal ang sitwasyon sa sektor ng edukasyon.

Hangga’t hindi nararating ng bansa ang tinatawag na “herd immunity” ay malabo ang face to face classes.

Hindi puwedeng ipagsapalaran ang kalusugan ng mga mag-aaral.

Kaunting tiis pa.

Hindi ba, Pangulong Rody Duterte at Education Sec. Leonor Briones?

***

Ramdam na ang eleksyon!

Nagsimula na ang batuhan ng putik dahil sa pulitika.

Okay lang ito dahil isang democratic country ang Pilipinas.

Sana lang ay hindi maapektuhan ang serbisyo.

Lalona’t nandiyan pa rin ang COVID-19 pandemic.

Okay lang ang mga maaanghang na sagutan basta isyu lang ang pinag-uusapan.

At huwag naman sanang humantong sa sakitan ng katawan.

Eleksyon lang ito.

Ika nga, better luck next time.

Ang mga matatalo ay mahalagang papel namang gagampanan pagkatapos ng halalan.

Sila ang magiging fiscalizers para masigurong hindi umabuso ang mga nanalo.

Sana lang, huwag makipagkutsabahan ang mga talunan sa mga nanalong kandidato.

***

Dalawang claimants ng party drugs na Ecstasy ang inaresto ng mga otoridad sa opisina ng Philpost sa Quezon City noong Lunes.

Hindi muna pinangalanan ang mga suspek dahil meron pang isinasagawang follow-up operations ang mga otoridad.

Galing Germany, ang mga tableta ay itinago sa isang foot spa machine.

Ang 5,637 pirasong Ecstasy tablets ay nagkakahalaga ng P9 milyon.

Nabuko ang droga nang idaan sa X-Ray machine ang shipment.

Idinaan din sa K-9 sniffing ang shipment.

Nadiskubre nga ang mga droga nang dumaan sa 100 percent physical examination ang kargamento.

Sinabi ni Port of NAIA District Collector Carmelita S. Manahan-Talusan na ang parcel ay naglalaman ng laruan, sandals, bags, medyas at pants.

Ang mga nagkasa ng operasyon ay ang BoC, PDEA at IADITG.

(Para sa inyong komentonat suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0921-4765430/email:tingnannatin08@yahoo.com. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan).

AUTHOR PROFILE