Default Thumbnail

FACE MASK ‘MUST’ SA LRT, MRT, PNR

April 23, 2023 Jun I. Legaspi 314 views

SANHI ng patuloy na pataas COVID-19 cases sa buong bansa, mahigpit pa ring ipinatutupad ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng government-owned trains ng Light Rail Transit (LRT), Metro Rail Transit (MRT) at Philippine National Railways (PNR).

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga trains ay nanatiling mandatory bilang preventive measure laban sa COVID-19.

Paliwanag pa ni Aquino na mandatory rin ang pagsusuot ng face mask sa lahat ng mga LRT-1, LRT-2 at MRT-3 stations maliban sa PNR dahil na rin open air spaces ang mga stations nito.

“Our medical professionals in the railways sector stressed that the risk of COVID-19 transmission remains present in our trains as they are enclosed spaces,” saad ni Aquino.

“Lahat po ng ating mga security personnel na nakakalat sa mga stations natin at tinagubilinan na ipatupad ng mahigpit ang policy para sa kaligtasan ng lahat,” saad ni Aquino.

Ayon kay Aquino bagamat milyong milyong mga kababayan na natin ang vaccinated na laban sa COVID-19 hinihikayat pa rin ang lahat ng Filipino na maging vigilant at protektahan ang lahat ng pasahero sa pagsusuot ng face masks.

“Kahit ang isa ay fully vaccinated laban sa COVID-19 may posibilidad pa rin ang isa na ma tamaan nito at magkalat ng virus”, saad ni Aquino.

Hinikayat rin ni Aquino ang mga pasahero na magpa turok ng second boosters bilang proteksiyon sa COVID-19, ang boosters shot ay malaking tulong upang tumaas ang immunity ng isang tao laban sa virus.

Nauna rito nagpalabas ng bagong guidelines ang Department of Health (DOH) sa mga local governments sa pagpapatupad ng second boosters shot sa general adult population.

“Ayon na rin sa paliwanag ng mga medical professionals ang boosters shots na ito ay designed upang tulungan mapanatili ang antas ng proteksyon laban sa virus lalo na sa mga bagong lumabas na variants ng COVID-1,” saad ni Aquino.

AUTHOR PROFILE