Larawan: Jane de Leon/IG
Eyes on me
NAKAPUKAW ng atensyon si Jane de Leon sa kanyang jaw-dropping post kung saan makikita siya sa loob ng isang malaking aquarium, basang-basa sa kanyang itim na damit.
Tila isang sirenang nag-aanyaya, ipinamalas ni Jane ang kanyang steamy elegance at hindi mapigilang karisma na nagpaikot sa ulo ng kanyang mga tagahanga.
Sa caption na “Hey, eyes on me,” hindi na kailangang mag-utos pa si Jane dahil walang nakapikit habang tinitingnan ang kanyang larawan.
Ang wet look niya at ang sleek curves na bumagay sa kanyang outfit ay nagpaulan ng fire emojis sa comment section. Pinatunayan ni Jane de Leon na kaya niyang magdala ng powerful presence kahit sa isang simpleng post.