Dantes

Exterior ng bagong bahay, ipinasilip ni Dingdong

November 20, 2022 Ian F. Fariñas 888 views

Zia

NAMANGHA ang netizens sa ganda at laki ng bagong bahay ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera nang mag-post ang aktor ng exterior shot nito sa Instagram kahapon.

Nakatalikod si Dong sa litrato’t paharap sa gilid ng bahay habang nakababad sa swimming pool. ‘Pag nag-zoom in, makikita ang isang babae (na mukhang si Marian) na nakaupo sa sofa at nakikipaglaro sa alagang aso.

Makikita sa picture na earth color ang theme ng bahay na may manaka-nakang touch ng black sa railings ng mga bintana at glass door.

Caption ni Dong, “The things we cherish most often do not come easy.

“A house is no different. We work hard to build it — founded on all the learnings and sacrifices for us to achieve it.

“Soon to be ‘painted’ with the memories we will be creating, and love that we will sharing within, possibly for generations to come.

“What is worth keeping deserves only the things we trust.”

Kasunod nito ang litrato naman ng panganay nilang si Zia habang lumulundag sa pool.

Anang obviously ay tuwang-tuwang ama, “Always the first one in… and the last one out.”

Siyempre, pati celebrity friends nila, humanga sa ganda ng lugar, kabilang na sina Rocco Nacino, Jackie Lou Blanco, Benjamin Alves, Chariz Solomon, Dianne Medina, Direk Rico Gutierrez at marami pang iba.

Hanggang ngayon, wala pa ring ideya ang fans kung saan ang location ng house. Waiting pa rin ang lahat sa pa-house tour ng Dantes couple.

AUTHOR PROFILE