Default Thumbnail

Ex-VM dedo sa ambush

July 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 261 views

PATAY ang isang dating vice mayor matapos na tambangan ng hindi pa nakikilalang suspect nitong Miyerkules sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Nakilala ang biktima na si dating Rajah Buayan Maguindanao vice mayor Sittie Jinn Utto na nasawi bunga ng tama ng bala sa ulo.

 

Nasa kritikal na kalagayan naman ang ama ng biktima na si Datu Jonathan Lumenda na nagtamo rin ng tama ng bala sa katawan.

 

Batay sa ulat ni Lambayong Police Chief Major Jhethro Doligas, naganap ang pananambang dakong 1:00 ng tanghali sa Barangay Pingguiaman

 

Minamaneho umano ng dating vice mayor ang kanyang Toyota Hi-Lux na may plakang ABC- 6348 sa naturang lugar nang paulanan ng bala ng mga suspects.

 

Dead on the spot ang biktima habang isinugod sa pagamutan ang kanyang ama.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya upang bigyang linaw ang insidente.