Default Thumbnail

Ex-solon inaresto sa QC

April 11, 2023 Zaida I. Delos Reyes 192 views

ISANG dating representate ng senior citizens’ party-list ang inaresto ng mga pulis sa Quezon City Hall of Justice, Martes ng umaga.

Base sa ulat ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 11:30 ng umaga nang isilbi sa dating party-list solon ang warrant of arrest na inilabas ni Judge Trese Dionco Wenceslao, ng Cabanatuan City RTC Branch 28.

Ang utos ng pag-aresto sa ex-solon ay base sa kinahaharap nitong kasong paglabag sa Section 155 ng RA (Republic Act) 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines.

Nagtakda ang korte ng P18,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng dating party-list solon.

Bago arestuhin, dumalo pa ang suspek sa pagdinig ng kinahaharap nitong kasong perjury sa QC Metropolitan Trial Court Branch 38.

Sa naturang pagdinig, sinubukan ng dating solon na depensahan ang sarili ngunit hindi siya pinagbigyan ng korte at nagtakda na lamang isa pang pagdinig sa kaso sa Abril 18.