Hidalgo

Ex-rebel nakorner sa kasong murder

September 11, 2023 Bernard Galang 123 views

CAMP Olivas, City of San Fernando, Pampanga–Arestado ang isang dating miyembro ng New People’s Army at Liga ng Manggagawang Bukid dahil sa pagpatay.

Sa ulat kay PRO (Police Provincial Office)-3 Brig. Gen. Jose Hidalgo Jr., sinabi ni Nueva Ecija police director Col. Richard Caballero na nahuli ng mga miyembro ng Cuyapo police at iba pang units sa Barangay Rizal, Cuyapo ang suspek na si Jose Garbib.

Wanted dahil sa murder si Garbib base sa warrant of arrest na inilabas ng RTC Branch 32 ng Guimba, Nueva Ecija.

“Binibigyang-diin ang tagumpay na ito ang walang humpay na dedikasyon at intelligence-driven na operasyon ng iba’t ibang mga law enforcement unit na nagtatrabaho sa koordinasyon upang mahuli ang mga wanted na indibidwal.

Nananatili kaming matatag sa pagtiyak na ang mga responsable para sa mga kriminal na gawain ay dadalhin sa hustisya,” sabi ni Hidalgo.

AUTHOR PROFILE