Election

Ex-PNP, AFP execs bantay vs sabotahe

May 3, 2022 Marlon Purification 168 views

AABOT sa 1,000 retired PNP, AFP generals and officials ang nanawagan sa isang malinis na halalan na anila ay siyang magiging sandigan ng demokrasya at kapakanan ng bansa sa susunod na anim na taon.

“We, generals, admirals, officers, soldiers, sailors, marines, and airmen – all warriors and veterans, support a clean, honest, and fraud free election of candidates who shall become our national and local leaders,” pambungad na pahayag ng mga ito sa kanilang manifesto na inilabas sa publiko.

Tinawag na “A Call for Fraud-Free Elections,” nais ng mga dating matataas na opisyal ng law enforcement agencies na matiyak at walang anumang mangyayaring dayaan sa darating na Mayo 9 elections.

“We believe that election is the true representation of democracy. As such, we ask all candidates to make a strong commitment not to cheat, and neither allow cheating nor fraud to happen,” anila.

Hiniling ng mga ito na dapat tiyakin ng Comelec at Smartmatic na walang mangyayaring ‘tampering’ sa mga ‘automated election system,’ gayundin ang pagpapatupad ng mahigit na mekanismo upang maiwasan ang anumang dayaan.

“We trust and support the policy statement of the President and Commander-in-Chief that no cheating shall be committed before, during, and after election day.”

“We abhor and rebuke foreign intervention in purely domestic matters and in the exercise of our inalienable right to choose our leaders,” sabi pa pa nila.

Nanawagan din sila sa Comelec, Smartmatic at lahat ng kandidato, gayundin kay Pangulong Duterte na ibasura at hindi dapat tangkilikin ang anumang panghihimasok ng mga banyaga sa darating na halalan: “In whatever form, manually, digitally, electronically, or otherwise.”

“We will protect our votes and shall hold accountable all those who will subvert our will, the sectors we represent, and all the Filipinos in general,” sambit pa ng mga ito.

Ilan sa mga prominenteng retiradong heneral na lumagda sa panawagang ito ay sina General Dionisio Santiago, General Arturo Ortis, General Noel Buan, General Antonio Parlade, Col. Ariel Querubin at marami pang iba.

Matatandaang, noong nagdaang Marso, naglabas ng magkahiwalay na suporta ang retiradong mga senior officers, kabilang na ang generals at non-commissioned officers mula sa AFP at PNP para sa tambalang Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Nauna na rin silang nagbigay ng babala hinggil sa mga mandaraya ngayong darating na halalan.