Default Thumbnail

Ex-OFW binaril ng live-in partner dedo

October 6, 2022 Gil Aman 280 views

PATAY ang isang 52-anyos na dating overseas Filipino worker (OFW) matapos sunod-sunod paputukan ng kanyang live-in partner Miyerkules ng hapon sa Purok 3 Bgy. Tranca Bay, Laguna.

Nasawi ang biktima bunsod ng tinamong tama ng bala sa bahagi ng kanyang katawan mula sa hindi pa mabatid na kalibre ng baril ng suspek.

Sa isinagawang imbestigasyon ni P/SSg. Frederick Bembo, ang suspek ay residente ng naturang barangay at jobless.

Ayon pa kay Bembo, ang suspek ay mabilis na tumakas matapos ang pamamaril sa hindi pa natutukoy na direksiyon.

Naganap ang insidente dakong 1:30 ng hapon dahil umano sa “pagtatalo” na nauwi sa pamamaril ng suspek.

Kasalukuyan namang nagsasawa ng follow-up operation ang pulisya para sa madakip ang suspek.

AUTHOR PROFILE