Traffic

Ex-obrero nangalakal; binugbog, sinakluban ng traffic cone

June 14, 2024 Edd Reyes 152 views

PINOSASAN, binugbog at sinakluban pa umano sa ulo ng traffic cone ng di pa klalang suspek ang 26-anyos na dating construction worker matapos mahuling nangangalakal sa loob ng subdivision sa Las Pinas City noong Biyernes.

Ganito isinalarawan ni Marjorie Kirit, nakatatandang kapatid ng biktimang si Mervin, residente ng Talon 5, Villa Pangarap, Las Pinas City, ang sinapit ng kapatid matapos ipa-blotter sa pulisya ang sinapit nito sa loob ng BF Resort Village, Las Pinas.

Dumulog sa mga miyembro ng Southern Metro Manila Press Corps (SMMPC) si Marjorie para humingi ng tulong para ipabatid sa kinauukulan ang pang-aabuso umano sa kanyang kapatid matapos silang magpasiya na direkta ng kasuhan sa piskalya ang hindi pa nakikilalang mga suspek.

Nangyari ang umano’y insidente alas-10:00 ng umaga ng Abril 24 pero hindi agad sila nakapagsampa ng kaso kahit may hawak na silang medical certificate dahil sa takot ng kanyang kapatid.

Hindi rin aniya nila tukoy ang pagkakalilanlan sa mga suspek.

AUTHOR PROFILE