Default Thumbnail

Ex-NPA rebel sumuko sa Samar

April 22, 2024 Alfred P. Dalizon 91 views

SUMUKO sa mga otoridad ang isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Lavezares, Northern Samar noong Biyernes, ayon sa report.

Kinilala sa alyas na Jake, 27, ang sumuko na residente ng Brgy. Happy Valley, San Isidro, Northern Samar, ayon sa 804th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion ng Police Regional Office (PRO)-8.

Ginanap ang pagtanggap sa naturang rebelde sa Brgy. Urdaneta sa Lavezares sa pangunguna ni Captain Mark Mhon Amistoso.

Bunga ng mga negosasyon ang pagsuko ng dating rebelde na isinagawa ng mga tauhan ng 804th Maneuver Company ng PRO-8 kasama ang Area Police Command-Visayas, Northern Samar Police Provincial Office, Lavezares Municipal Police Station, Regional Intelligence Unit 8 at PNP Special Action Battalion.

Isinurender ni Jake ang isang kalibre .38 na revolver sa mga pulis na tumanggap sa kanya.

Nasa ilalim na ngayon ng 804th Maneuver Company ang nasabing surrenderee habang pinoproseso ang kanyang pagsasailalim sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan para makapagsimula ng bagong buhay.

AUTHOR PROFILE