Default Thumbnail

Ex-drug user nanghablot ng bag, nanaksak ng buntis, huli

February 12, 2023 Gil Aman 234 views

ARESTADO ang isang drug user na humalbot umano sa bag ng isang buntis na inundayan pa umano ng saksak ng suspek gamit ang tari sa Bgy. San Juan, Alaminos, Laguna, araw ng Biyernes.

Agad naaresto ang itinuturong suspek na kinilalang si Emmerson Caliwag.

Base sa ulat ni P/Major Edwin Goyena, hepe ng Alaminos Police Station, kinilala ang biktima na si Abagail Domongo, na ligtas naman kahit nasugatan sa katawan.

Dahil sa maagang paghingi ng mister ng ginang, agad nakilala ang suspek sa tulong ng CCTV camera na nakakabit sa lugar ng pinangyarihan ng holdapan.

Ayon kay PMajor Goyena, ang naarestong suspek ay may record bilang drug surrenderee at nakulong sa kasong section 5 at 11 RA 9165 noong taong 2022.

Ayon sa imbestigasyon, si Domongo ay nag-aabang ng sasakyan malapit sa kanilang tahanan ng biglang lapitan ng suspek at hablutin umano ang kanyang bag. subal. Nanlaban ang biktima kung kaya’ sinaksak umano ito ng tari ng suspek.

Agad nadala sa pagamutan ang biktima.

Kasong frustrated homicide at robbery ang kakaharapin ng arestadong suspek na kasalukuyang nakapiit sa Alaminos police station.

AUTHOR PROFILE