Drugs Nasa larawan ang mga nasamsam na iligal na droga at tatlong arestadong suspek, kabilang ang isang retiradong bumbero, noong Miyerkules sa Gapan City.

Ex-bumbero, 2 kasabwat laglag sa P33K shabu

December 5, 2024 Steve A. Gosuico 233 views

GAPAN CITY–Timbog ang retiradong bumbero at dalawa niyang kasabwat umano sa buy-bust na humantong din sa pagkakakumpiska ng shabu na nagkakahalaga ng P33,320 noong Miyerkules.

Isinagawa ang sting operation sa Brgy. Mangino bandang alas-4:10 ng hapon.

Kinilala ang mga natimbog na sina alyas Larry, 54, retiradong tauhan ng Bureau of Fire Protection; alyas Joy, 50; at alyas Nait, 42.

Nahuli ang mga suspek matapos makabili ang mga anti-illegal drug operatives ng shabu na nagkakahalaga ng P500, ayon sa report.

Nasamsam sa operasyon ang 4.9 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P33,320.

AUTHOR PROFILE