Default Thumbnail

Ex-AFP exec patay sa RIT sa QC

November 14, 2022 Melnie Ragasa-limena 737 views

NASAWI ang retiradong opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tambangan ng ‘riding in tandem’ sa Quezon City, Lunes ng tanghali.

Ang biktima ay nakilalang si Ferdinand Tabing Martinez, retirado ng AFP, may-ari ng Prime Rangers Security Agency at reisdente ng 822 EP Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa report ng Quezon City Police District (QCPD) Project 6 Police Station (PS-15), bandang 12:05 ng tanghali nang maganap ang insidente sa kanto ng North at Mindanao Avenues, sa Bgry. Bagong Pag-Asa, malapit sa Trinoma Mall sa lungsod.

Batay sa sketchy report ni PCpl Michael Angelo Magsino ng PS-15, sakay umano ng kulay gray na Fortuner ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang mga suspek na sakay ng motorsiklo at walang habas itong pinagbabaril.

Nang makitang duguan nang nakabulagta sa loob ng sasakyan ang biktima ay agad na tumakas ang mga salarin.

Agad namang isinugod ang biktima sa Veterans Memorial Mdecal Center pero binawin din ito ng buhay.

Nagsasagawa pa ng follow up operation ang mga awtoridad para sa agarang ikadarakip ng mga suspek at upang alamin ang motibo sa ginawang pananambang.