Eva

Eva may mga pinagsisisihan sa buhay

October 18, 2021 Aster Amoyo 734 views

TANGGAP ng OPM icon na siyang nagpasikat ng classic hit song na “Tukso” na si Eva Eugenio na may kani-kanyang panahon ang pagsikat ng mga singer, actors at iba pang celebrities. And she had her time.

During the mid-70’s ay pabalik-balik na si Eva ng Japan bilang isang singer-performer and in 1977 ay naging recording artist siya ng Vicor Music Corporation na pag-aari pa noon ng magpinsang Vic del Rosario at Orly Ilacad. She recorded one single (45 rpm pa noon) na pinamagatang “Last Train to Happiness,” isang Japanese song na nilapatan ng English lyrics ng yumaong great composer na si George Canseco.

After she recorded the single, muling bumalik ng Japan si Eva. At sa kanyang pagbabalik ng Pilipinas ay hiwalay na ang magpinsang Vic at Orly ng Vicor at nag-put-up ng sari-sarili nilang record companies, Viva Records for Boss Vic at OctoArts International for Boss Orly. Eva moved to OctoArts International at a time na nagkaroon ng problema ang kumpanya sa dati nilang contract star na si Didith Reyes.

All the songs intended for Didith were given to Eva at kasama na rito ang classic hit song na “Tukso” na siyang naging signature song ni Eva. Nang pumutok ang awiting “Tukso,” agad ginawan si Eva ng album na may pamagat ding “Tukso” and was among the top-selling albums in 1979.

Taong 1980 nang kilalanin si Eva as one of the top singer-performers in the land at nakapaglabas siya ng tatlong sunud-sunod na album under OctoArts in one year – ang “Eva,” “Walang Kapantay” at “Babae Ako”. Sa taong ding ito ay kinuha siya ng mayor pa noon ng San Juan na si Joseph `Erap’ Estrada bilang leading lady sa pelikulang “Hoy, Tukso Layuan Mo Ako” na dinirek ni Augusto Buenaventura and produced by JE Productions. Ang titulo ay ibinase sa hit song ni Eva na “Tukso”.

Nang mawala sa limelight si Didith Reyes, magkakasunod na sumikat sina Claire de la Fuente (“Sayang”)at Imelda Papin (“Bakit”) kasunod si Eva (“Tukso). Years later, ang tatlo ay tinaguriang `Jukebox Queens’.

Eva admitted to us na hindi siya naging matagumpay sa larangan ng pag-ibig but she’s a proud mom to her only child na si Meg-Meg (Evangeline Nora Mae Eugenio Sebastian) sa kanyang ex-partner na si Boy Sebastian.

Since day one ay si Eva na ang tumayong breadwinner ng kanyang pamilya. Nabigyan niya ng gasoline station ang kanyang pamilya pero hindi nila ito na-manage nang maayos kaya nawala. Ang kanyang itinayong promotions business na nagpapadala ng talents sa Japan ay nawala rin nang magkahigpitan ng mga Filipino talent sa Japan since 2003. Ang kanyang itinayong resort in Laguna ay nasira ng bagyo pero muli niya itong pinatayuan ng isang events place.

Aminado ang veteran singer na naging bulagsak siya sa pera nung kainitan ng kanyang career. Kaya pagdating ng tagtuyot tulad ngayon na may pandemya ay napakahirap hanapin ang pera para sa kanya.

“Kaya payo ko sa mga kabataan ngayon, save up for the rainy days,” aniya.

“Hindi na lahat ng oras ay maganda ang kita n’yo. Kung may naitabi kayong pera, hindi kayo mahihirapan pagdating ng ganitong sitwasyon,” dugtong pa niya.

Samantala, umaasa si Eva na babalik din sa dati ang entertainment business at maipagpapatuloy pa rin niya at ng iba pang mga singers, entertainers and performers ang trabaho na ini-enjoy nila nung wala pang pandemya.

“Bago ang pandemic ay marami ang shows na na-kansela including shows abroad,” pahayag pa ni Eva.

Nalulungkot naman si Eva sa maagang paglisan ng kaibigan nila ni Imelda Papin na si Claire de la Fuente na tinamaan ng Covid-19 coronavirus nung nakaraang March 30, 2021.

Kuya KimKuya Kim nasa katapat na ng dating programa

AFTER being with ABS-CBN for 16 years, 54-year-old Kim Atienza has all the reasons to be happy ngayong isa na siyang Kapuso dahil simula kahapon, Monday, October 18 ay napapanood na siya sa tatlong daily programs sa GMA, ang daily morning show na “Mars Pa More,” ang primetime news program na “24 Oras” at ang pre-programming nito na “Dapat Alam Mo,” isang informative and educational news magazine program na pinagsasamahan nila ng news reporter na si Emil Sumangil at Kapuso actress-host na si Patricia Tumulak.

Si Kim ay naging resident weather anchor ng “TV Patrol’ ng ABS-CBN since 1995.

Ngayong nasa bakuran na siya ng Kapuso network, pasok siya sa “24 Oras” ang katapat na news program ng “TV Patrol” ng ABS-CBN.

AngeloAngelo kasal na sa Fil-Australian fiancee

NAG-ASAWA na ang dating build-up talent ng Star Magic na si Angelo Patrimonio, panganay na anak ng dating basketball superstar ng PBA at ngayon ay team manager ng Magnolia Hotshots team na si Alvin Patrimonio at misis nitong si Cindy Conwi.

Si Angelo ay ikinasal sa kanyang Filipino-Australian model fiancée na si Jasmine Maierhofer last October 13 sa Club Ananda in Nasugbu, Batangas. Sina Angelo at Jasmine got engaged in 2019.

Ang mag-asawang Alvin at Cindy ay may apat na anak. Bukod kay Angelo, ang tatlo pa ay sina Tin (ex-PBB housemate), Clarice at Asher.

Nung kasagsagan ng basketball career ni Alvin under Purefoods team ay naging item sila noon ni Kris Aquino na ang napangasawa ay isa ring basketball star na si James Yap kung kanino siya (Kris) may isang anak na si Bimby (14).

AJ mas vocal kay Aljur tungkol sa kanilang relasyon

KUNG hanggang ngayon ay tahimik lamang ang aktor na si Aljur Abrenica na may kinalaman sa kanilang relasyon ng sexy star ng Viva na si AJ Raval, very vocal naman ang huli tungkol dito.

Personal na klinaro ng dalaga ng actor na si Jeric Raval na hiwalay na si Aljur at dating misis nitong si Kylie Padilla nang manligaw ito sa kanya na nagsimula sa set ng pelikulang “Nerisa” na kamakailan lamang ipinalabas on Vivamax streaming app.

Ayon kay AJ, bago siya niligawan ni Aljur ay nagpaalam umano ito sa kanyang amang si Jeric maging sa kanyang ina, ang dating sexy actress na si Alyssa Alvarez.

April of this year nagkahiwalay sina Aljur at misis nitong si Kylie and was confirmed last July ng ama mismo ni Kylie na si Robin Padilla. Ang dating mag-asawa ay may dalawang anak na parehong lalake, sina Alas Joaquin at Axl Romero na nasa poder ni Kylie.

Si AJ kasi ang itinuturong dahilan umano ng paghihiwalay ng actor at ng kanyang (dating) misis.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE