Euwenn muling kinilala ang husay
MULING kinilala ang husay ng award-winning Kapuso child actor na si Euwenn Mikaell sa 9th Urduja Film Festival.
Nagwagi si Euwenn bilang Best Young Actor para sa kanyang tagos-pusong performance bilang Kid sa Netflix film na Lolo and the Kid, kung saan nakasama niya ang beteranong aktor na si Joel Torre.
Kinilala rin ng nasabing award-giving body ang Lolo and the Kid bilang Jury Prize Best Film. Pinarangalan din si Joel Torre bilang Best Senior Actor at Meryl Soriano bilang Best Actress in a Cameo Role.
Nakatanggap naman ng pagbati si Euwenn mula sa Forever Young co-actor na si Alfred Vargas. Sulat ng aktor, “Congrats, anak!”
Samantala, kasalukuyang nagbibigay inspirasyon si Euwenn bilang Rambo sa afternoon series na Forever Young.
Si Rambo ay isang 25-year-old na mayroon rare medical condition na panhypopituitarism, na nakaapekto sa kanyang paglaki. Sa kabila nito, lalaban siya bilang mayor ng bayan ng Corazon.
Kasama niya sa family drama sina Michael De Mesa, Eula Valdes, Rafael Rosell, Alfred Vargas, Nadine Samonte, James Blanco, Matt Lozano, Dang Cruz, Althea Ablan, Princess Aliyah, Bryce Eusebio, at Abdul Raman.
Paintings ni Solenn bukas na sa publiko
BUKAS na sa publiko ang art exhibit ni Solenn Heussaff na “Vita,” na nasa Provenance Gallery sa Shangri-La the Fort, Bonifacio Global City.
Sa Instagram, ipinakita ni Nico Bolzico ang larawan ni Solenn sa kanyang exhibit at ipinarating kung gaano siya ka-proud sa asawa.
“The result of one whole year of hard work, passion, love, and dedication! We are so proud of you bebu! Keep inspiring us!” sulat ni Nico.
Sa comments section, ipinarating din ni Solenn ang pagmamahal sa asawa at sa kanyang dalawang anak na sina Thylane at Maëlys Lionel.
“I love you! And my baby girls. You guys are my everything,” sabi ng aktres.
Sa exhibit, makikita ang mga paintings ni Solenn, kabilang ang bago niyang artwork na “Incipere.”
Makikita rin sa exhibit ang textile works ni Olivia d’Aboville, best friend ni Solenn at art school classmate. Maaaring bumisita sa gallery hanggang January 5.
Payo ni Papa Dudut huwag itago ang problema sa relasyon
NATUMBOK ng first resource person ng Your Honor na si Papa Dudut ang madalas na nagiging problema ng mga magkarelasyon.
Special guest ng “House of Honorables” na sina Tuesday Vargas at Buboy Villar sa pilot episode ng kanilang YouLOL Originals show ang award-winning radio host na si Papa Dudut ng Barangay LS Forever.
Dito, ibinahagi niya ang kanyang obserbasyon sa mga listeners niya na humihingi ng advice patungkol sa love at relationships.
Sabi ni Papa Dudut sa problema ng mga magkarelasyon, “Tinatago kasi, ‘yan nung malaking problema, ng mga maliliit na problema…. Very true, kasi may mga malalaking problema na mahirap pag-usapan at in denial ‘yung iba na pag-usapan.
“O sila ang problema, baka alam nila na sila ang problema pero dine-deny nila. So, para ma-address `yung problema gagawa siya ng small na puwede pag-awayan para ma-address na may malaki tayong problema.”
Payo ng seasoned radio host, “Ang pinaka the best siguro diyan ay kailangan aminin n’yo sa sarili n’yo na may problema. Be honest with your partners.”
May sundot na tanong naman si Madam Chair Tuesday, “Would you say Papa Dudut having listened to so many, ang dami na dumulog sa programa mo na kultura ba ng Pilipino na hindi confrontational?”
“Korek,” sabi ni Papa Dudut. Paliwanag niya, “Ang mga Pilipino laging nagde-deny na may problema kaya dumarating sa point na sumasabog na lang parang bulkan.”
“So hindi pala maganda yung sinasabi nilang katangian ng mga Pilipino, oh! Masayahin ang mga Pilipino, resilient,” sabat muli ni Tuesday.
Tugon ulit ni DJ Dudut, “Actually, minsan tinatago natin sa saya ang problema.”