Europe honeymoon nina Kris at Perry natuloy na

June 30, 2022 Aster Amoyo 154 views

SIYAM na buwan matapos ikasal nung September 25, 2021, ngayon lamang natuloy ang honeymoon ng mag-asawang Kris Bernal at Perry Choi sa Europe . Their itinerary will include Switzerland, Netherlands, Germany, Czech Republic, Austria, Italy, France, Spain at iba pang lugar na aabutin ng isang buwan.

“Today, we finally leave the Philippines for our long-awaited/long overdue/belated honeymoon in Europe.A month-long trip! Our first stop was supposed to be in London for Adele’s concert. Unfortunately, the UK visa did not make it. Thankfully, we were able to sell our Adele tickets, The rebooking cost us a lot. Huhu. We rebooked and rerouted our flight to Switzerland. Then to Netherlands, Germany, Czech Republic, Austria, Italy, France, Spain and the list goes on,” post ng aktres sa kanyang Instagram account.

Bago umalis ay tinapos muna ni Kris ang taping ng dalawang serye, ang“Artikulo 247” sa GMA at ang “Dear God” sa TV5.

Si Kris ay produkto ng reality talent show ng GMA, ang “Starstruck” 4 th edition in 2007 at pagkatapos nito ay naging contract star siya ng network sa loob ng 15 taon. Her contract with the network expired making her a freelancer now. Pero nakakagawa pa rin siya ng TV projects with her former home studio maging sa TV5 and she is yet to do a project with ABS-CBN. Hindi agad naisagawa ni Kris at husband na si Perry ang kanilang honeymoon after their wedding last September dahil sunud-sunod ang dumating sa kanyang proyekto. Nang magkaroon ng pagkakataon ay doon lamang nila plinano ang kanilang month-long honeymoon trip sa Europe.

Kris and Perry dated for three years before their engagement on February 6, 2020 .

When Kris was still single (at 29), she bought a two-storey, five-bedroom house in West Covina, California, USA in April 2018. Ito’y katuparan ng wish ng kanyang inang si Analyn Tan-Bernal at doon nakatira ngayon ang other half ng kanyang elder twin sister na si Katherine Ann. The other twin is Kathleen Ann at meron siyang younger brother na si Miguel.

Local celebs na may bahay sa Amerika

SAMANTALA, bukod kay Kris Bernal na nakabili ng bahay sa Amerika, ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nakabili rin ng bahay sa Las Vegas, Nevada gayundin ang young actor-turned politician na si Nash Aguas na may naipundar ding bahay sa Vegas. May bahay din sa Las Vegas si Sen. Lito Lapid, ang OctoArts big boss na si Orly Ilacad gayundin ang mag-asawang Sen. Tito Sotto at Helen Gamboa-Sotto among others. Si Rufa Mae Quinto naman ay may sariling bahay sa San Francisco, California when she was still single. May bahay din sa Los Angeles, California ang mag-asawang Alfred Romualdez at Cristina `Kring-Kring’ Gonzalez-Romualdez at iba pang mga kilalang personalidad.

RichardRichard1

Richard pinakamatiyagang pulitiko

PAGDATING sa tiyaga sa political career, wala na sigurong makakatalo pa sa actor-politician na si Richard Gomez who was one of the matinee idols in the `90s.

Fifteen years ang ipinaghintay ni Richard bago niya nakamit ang tagumpay sa larangan ng pulitika.

Taong 2001 nang unang sumubok ang actor-politician sa pulitika nang tumakbo siya sa MAD Partylist (Mamamayan Ayaw sa Droga), nanalo man ang kanyang partido, na-disquality naman siya dahil wala umano itong proof of sectoral representation. Plinano rin niyang tumakbo sa pagka-gobernador ng Bulacan province pero hindi niya na-meet ang residency requirements kaya hindi niya ito itinuloy. Pagdating ng senatorial elections in 2007, sumubok siyang kumandidato sa pagka-senador bilang independent pero hindi siya pinalad.

Muling tumakbo si Richard sa pagka-kongresista ng 4th district ng Leyte in the May 2010 elections but was disqualified due to lack of one-year residency sa distrito at siya’y pinalitan ng kanyang wife na si Lucy Torres-Gomez. His wife ran for reelection bid at ito’y nakapag-silbi ng 9 more years o tatlong termino at si Richard ang tumayong Chief of Staff ng kanyang misis up to 2016.

Tumakbo ang actor-athlete sa pagka-mayor ng Ormoc City in 2013 pero muli siyang nag-disquality ng Commission on Elections due to lack of residency.

Nung May 2016, muling kumandidato si Richard sa pagka-mayor ng Ormoc City and this time ay a nanalo na siya at siya’y naging mayor ng siyudad ng dalawang termino o anim na taon.

Since last term na si Lucy bilang kongresista ay nagpalit sila ng puwesto ng kanyang mister. Si Lucy ang tumakbo sa pagka-mayor ng Ormoc at si Richard naman sa pagka-kongresista ng 4th district ng Leyte sa nakaraang May 2022 elections at pareho silang nanalo at nanumpa na sa kanilang mga bagong tungkulin sa harap ni (dating) President Rodrigo Duterte sa Malacanang nung nakaraang June 13, 2022, seventeen days bago ito bumaba sa puwesto.

Ang mag-asawang Richard at Lucy ay may kaisa-isang anak, ang 21-year-old na si Juliana na babalik na sa kanyang face-to-face classes sa University of the Philippines ngayong Agosto.

Nora

Ate Guy nagkaroon ng standing ovation

HINDI nakadalo ang superstar na si Nora Aunor sa confernment of National Artists medallion na pinangunahan ni (dating) President Rodrigo Duterte last June 16, 2022 sa Malacanang Palace dahil naka-confine siya noon sa hospital. The award was received on her behalf ng kanyang mga anak na sina Matet, Ian, Kiko at Kenneth de Leon.

Pero sa ginanap na awards night ng mga National Artists na ginanap sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ay personal nang nakadalo si Guy (Nora) kung saan siya binigyan ng standing ovation matapos ang kanyang `thank you’ speech. Nakasama niyang dumalo ang kanyang long-time friend na si Ricky Lee na isa rin sa ginawaran ng National Artist for Film and Broadcast Arts.

Bukod sa award-winning screenwriter na si Ricky Lee, sinamahan din ang superstar ng kanyang mga anak at malalapit na kaibigan.

Rita

Rita non-showbiz ang ama ng ipuinagbubuntis

SA panayam kay Rita Daniela ni Nelson Canlas ng “24 Oras – Week-end,” inamin ng 26-year-old singer-actress na non-showbiz umano ang ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon. Dahil private person umano ang guy, ayaw niya itong pangalanan (for now).

It was last June 26 sa episode ng “All-Out Sundays” kung saan mainstay ang singer-actress at (dating) ka-loveteam ng kanyang kapwa Kapuso singer-actor na si Ken Chan nang ihayag niya ang kanyang pagbubuntis na ikinagulat ng marami.

Isa naman si Ken sa agad na nagpaabot ng suporta kay Rita.

Ayon sa singer-actress, ang kanyang best friend na si Cholo Bismonte (na naging contestant ng “The Clash”) ang kanyang unang sinabihan sa kanyang pagbubuntis at kasunod na rito ang kanyang pamilya.

Although nasa showbiz si Rita, napanatili niyang pribado ang kanyang personal life pati na ang kanyang pagkakaroon ng non-showbiz boyfriend na ama ng kanyang ipinagbubuntis ngayon.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE