Eula

Eula, nag-trending sa pagganap na Sen. Imee

February 10, 2023 Ian F. Fariñas 283 views

PASABOG nga ang official trailer ng second installment sa trilogy movie ni Direk Darryl Yap na Martyr or Murderer na ipinalabas sa mediacon ng Maid in Malacañang sequel sa Podium Hall noong Huwebes.

Shocked ang reaction ng press at iba pang guests, lalo na sa last scene kung saan ni-reveal na si Eula Valdez na ang gaganap sa papel ng present day Sen. Imee Marcos sa ikatlong installment na pinamagatang Mabuhay Aloha Mabuhay o MaM.

Kasabay ng pagpapalabas ng official trailer sa mediacon ang pag-upload nito sa iba’t ibang socmed pages ng Viva at VinCentiments kaya naman mabilis ding nag-trending ang pangalan ni Eula sa Twitter.

Expected nang maba-bash ang aktres na sumikat sa karakter ni Amor Powers sa dating ABS-CBN series na Pangako sa ‘Yo. Nabanggit kasi ang pangalang “Leni” sa nasabing eksena kung saan supposedly ay kausap niya ang kapatid na si Pres. Bongbong Marcos sa telepono.

Depensa naman ni Direk Darryl, anim na abogado ng Viva ang ka-meeting niya para sa trailer na aniya ay “kindest” version sa 17 revisions na ginawa niya.

Anyway, sa March 1 na nakatakdang mapanood sa mga sinehan worldwide ang MoM kasama ang original cast na sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Diego Loyzaga, Cristine Reyes at marami pang iba.

AUTHOR PROFILE