Ethel Booba

Ethel Booba nag-mature dahil sa anak

September 22, 2024 Aster Amoyo 121 views

LIFE-changing daw ang maging isang parent, ayon sa comedienne na si Ethel Booba.

Ina si Ethel sa isang 5-year-old daughter named Ella mula sa kanyang partner na si Jessie Salazar.

“Nag-mature ba ako? Ako rin nga nagugulat e. Nag-mature talaga ako nu’ng naging nanay ako. Oo, iba na ‘yung priorities ko. Ngayon hindi na ako bumibili ng mamahaling damit, kailangan mura na lang kasi mayroon akong pinagkakagastusan kasi ang mahal ng gatas, diaper.

“Ngayon, iniisip ko kailangan ko talagang mag-ipon dahil ‘yung future niya, ‘yung pag-aaral niya doon ako nanganganib kasi Inglesera e. Hirap na hirap talaga ako e. Minsan sasabihin ko ‘ah ok’, minsan magtatanong Ingles, sasabihin ko na lang ‘later i’m busy.’ Kaya ‘yung asawa ko tawang tawa talaga sa akin kasi hindi ko na talaga siya masagot kasi hirap na hirap ako talaga,” sey ni Ethel.

Bukod nga raw sa pagiging stand-up comedienne, founder din si Ethel ng sarili niyang beauty business sa tulong ng kanyang partner na very supportive at maayos ang communication nila kahit pa busy sila.

“Mas peaceful talaga at kung gusto mo ng pang-matagalan, for lifetime, mas non-showbiz. Communication. Kailangan talaga nag-uusap kayo palagi na alam mo ‘yung huwag mong kimkimin ang sama ng loob mo, kailangan maging open ka sa kaniya. Okay lang na masaktan siya pero kailangan malaman niya kung ano ang mali at malaman ko rin kung ano ang mali ko at doon kami nag-meet.”

Masusundan na kaya si Ella?

“Kung ibibigay. Nag-usap nga kami ni Vice Ganda kasi inanak niya ‘yan e. Sabi ko, ‘parang hindi na.’ Sabi niya, okay din iyan, para mayamang mayaman siya. Biniro ko na lang na dadagdagan ko, mag-do-donate ka ba pang educational plan’ kasi ‘yun ang pinakamabigat talaga,” tawa ni Ethel.

GMA artists and employees lumahok sa coastal clean-up drive

Entrata
Sparkle artist Shuvee Entrata

NAKILAHOK ang ilang Sparkle artist at GMA employee volunteers sa isinagawang International Coastal Cleanup Drive sa Pasay City noong nakaraang Sabado, Sept. 21.

Isinagawa ang cleanup drive sa Pasay sa Central Park ng SM by the Bay, na pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources, Philippine Coast Guard, kasama na rin ang GMA Network sa pamamagitan ng Kapuso at Kasambuhay ng Kalikasan.

Nakibahagi ang Sparkle stars na sina Shuvee Etrata, Nikki Co, John Clifford, Seb Pajarillo at Zyren Dela Cruz, at 30 GMA employee-volunteers sa ika-39 Coastal Cleanup na may temang “Clean Seas for Blue Economy.”

Ang paglilinis ay parte ng taunang International Coastal Cleanup Drive na isinasagawa tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre, ayon na rin sa Presidential Proclamation 470.

Dala-dala ng volunteers ang kanilang mga sako, face mask, tumbler para sa iinuming tubig at rake para sa paghahakot ng basura.

Daan-daang indibiduwal pa ang nakisali mula sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno, NGOs, mga estudyante at pribadong sektor.

Sa dami ng basura, kinailangang gumamit ng dump truck para mahakot ang mga ito, kung saan ang karamihan ay mga plastic, styrofoam, kawayan at mga driftwood na inanod sa lugar dahil sa mga nagdaang bagyong Carina, Enteng at Habagat.

Ilang ambulansiya pa ang nakaantabay kung sakaling kailangan ng tulong medikal.

Inaasahang aabot sa tone-toneladang basura ang mahahakot sa baybaying dagat ng Manila Bay.

Pinakamalaking nahakot ng SM sa ika-38 International Cleanup noong nakaraang taon ang umabot ng 100,000 kilos ng basura.

David naiba ang perspectives dahil sa ‘Pulang Araw’

David
David Licauco

INIHAYAG ni David Licauco na binago ng historical action-drama series na “Pulang Araw” ang kaniyang pananaw tungkol sa buhay at maging sa acting, na mas minahal niya pa lalo ngayon.

“I would say na ‘Pulang Araw’ really changed my perspective with siguro my life din. ‘Yung acting, feeling ko this is something na I can do for a long time kaya ginagalingan ko talaga. Nag-iba ‘yung perspective talaga kasi dati business,” sey ni David.

Sinabi pa ni David na gusto niyang manalo ng award, kaya niya ginagalingan ang pag-arte sa Pulang Araw.

Sa naturang series, gumaganap si David bilang si Hiroshi Tanaka, isang binatang bumalik sa Pilipinas matapos mag-aral ng ilang taon sa Japan.

Kamuntikang magkrus ang landas nila ng mga kaibigan niya mula pagkabata na sina Adelina (Barbie Forteza) at Eduardo (Alden Richards).

Ibinahagi ni David kung paano niya pinaghandaan ang kaniyang role, gaya ng pag-aaral ng Japanese language.

“Everyday kailangan ko siyang i-memorize. Actually hindi lang siya one night para i-memorize, it takes me two days, three days para ma-memorize ang Japanese lines. On top of that ‘yung acting pa. Siguro aral lang din talaga, aral ako nang aral ng acting, maraming trial and error,” diin ni David.

Ilan sa mga Japanese actors na kasama sa series ay sina Jacky Woo, na gumaganap bilang ang kaniyang amang si Chikara Tanaka; si Jay Ortega, na gumaganap bilang isang sundalo ng Imperial Japanese Army na si Akio Watanabe; at Ryo Nagatsuka, na isang Hapong imigrante sa bansa.

Napanonood ang Pulang Araw sa GMA Prime ng 8 p.m. at streaming din sa Netflix.

AUTHOR PROFILE