Bida Star

Estudyanteng negosyante, tinanghal na Ultimte ‘Bida Star: Boy Next Door’

September 10, 2021 Ian F. Fariñas 284 views

Naiuwi ng 18 taong gulang na estudyanteng si Dustine Mayores mula sa Manila ang titulong Ultimate Bida Star sa online search ng ABS-CBN na Bida Star: Boy Next Door nitong Miyerkules (Setyembre 8).

Sa murang edad, pinili ni Dustine na tulungan ang magulang na nawalan ng trabaho dahil sa pandemiya sa pagsasabay ng pag-aaral at pagkakaroon ng sariling negosyo.

Tinuring si Dustine na dark horse ng kompetisyon dahil sa pagiging mahiyain noong simula pero nakuha niya ang kumpiyansa para mapabilang sa final four.

Kwento niya, “Na-develop ko po na tanggalin ’yung takot dito. Kasi kapag natakot ka, magsisisi ka lang sa huli kapag hindi mo sinubukan. Isa pa po iyong ‘never give up.’ Hindi ka pwedeng basta-basta lang susuko. Laban ka lang nang laban kasi para sa akin po kapag sumuko ako, walang mangyayari. Kaya hanggang nandito pa po yung oportunidad push lang ng push. ”

Nagwagi si Dustine matapos makuha ang pinakamataas na vote points na 75.68 mula sa kumu diamonds, KTX votes at scores ng judges na sina TVDG head Alex Asuncion, Star Hunt Management head Raymund Dizon at Direk Rahyan Carlos.

Bukod sa titulong “Ultimate Bida Star,” nanalo rin siya ng P50,000, ABS-CBN management contract, Star Magic Workshop scholarship, pagkakataon na ma-shortlist para sa interview sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 at bumida sa isang digital show.

AUTHOR PROFILE