Estudyante, tiklo sa tangkang pagpatay sa Malate

March 22, 2022 Jonjon Reyes 189 views

ISANG 18-anyos na estudyante ang pinosasan ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) dahil sa kasong tangkang pagpatay sa Malate, Maynila, Lunes ng hapon.

Kinilala ang suspek na bilang si “Adrian”, binata, estudyante at residente ng A. Sarmiento St., F. Muñoz, Malate.

Batay sa ulat ni P/Lt.Col. Rodel Borbe, commander ng MPD-Malate Police Station 9, bandang alas-4:15 ng hapon Marso 21, 2022, nang bitbitin ang binata sa labas ng kanilang bahay na sakop ng Bgy. 741 Zone 80, Malate.

Magkasanib na puwersa ng mga tauhan ni Borbe katuwang ang CIDG-Manila na pinangunahan at sa koordinasyon ni P/Lt. Col. Wilfredo Fabros Jr.

Bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Judge Rebecca Austria Guillen-Ubaña ng Manila Regional Trial Court Branch 40 na may petsang Marso 16, 2022 sa kasong attempted murder na inihain sa binatang suspek.

Sa pag-aresto sa estudyante, inatasan ni Lt. Col. Borbe na asistehan ito nina P/Lt. Roy Ramos ng Station Warrant Section at hepe ng Intelligence Branch na si P/Maj. Salvador Iñigo Jr. kasama ang ilang tauhan nito. Nina Jon-jon Reyes at C.J Aliño

AUTHOR PROFILE