Estilo ng pamumuno ni P/BGen. Jonnel Estomo kapuri-puri

September 14, 2022 Edd Reyes 173 views

Edd ReyesNAKAKABILIB ang mga hakbang na isinasagawa ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Acting Regional Director P/BGen. Jonnel C. Estomo, hindi lamang sa pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan sa buong Kamaynilaan kundi maging sa pag-disiplina sa kanilang hanay.

Sa mga unang araw pa nga lang ng kanyang pag-upo sa puwesto ay inilunsad na niya ang programang S.A.F.E. o ang Seen, Appreciated and Felt by the people through Extraordinary actions kung saan 10,000 pulis ang ikinalat, 24-oras, sa buong Metro Manila upang mapanatili ang kapayapaan sa bawa’t komunidad na ginawa niya noong siya pa ang Director ng Bicol Region at maging noong matalaga siya sa mga bansang Haiti at Kosovo bilang miyembro ng United Nation Police Division na nagkaroon ng positibong resulta.

Sa kanyag isinagawang Media Fellowship nito lamang Martes ng gabi sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Tagug City, muling inulit ni Gen. Estomo na kapag tulog ang mga tao, gising naman ang kapulisan para sila bantayan.

Pinaigting din ni Gen. Estomo ang paglaban sa iba’t-ibang uri ng kriminalidad, lalu na sa ilegal na droga, pero kailangang pairalin aniya ang matass na antas ng pakilala sa kanilang karapatan, maging ang mga pinaghihinalaan pa lamang sangkot sa ilegal na gawain.

Nagbigay din siya ng direktiba sa lahat ng mga Acting Directors ng limang Police Districts sa Metro Manila na maging bukas sa mga katanungan ng mga miyembro ng media at gawin silang partner sa paghahatid ng wastong impormasyon sa publiko upang maiwasan ang pagkalat ng fake news.

Yun nga lang, mukhang hindi yata nakarating ang naturang direktiba sa kaalaman ng Acting Northern Police District (NPD) Director dahil hindi nila type sumagot sa katanungan para linawin ang ilang detalye.

Tungkol naman sa isyu ng kidnapping, sinabi ni Estomo na wala na ang malalaking sindikato ng kidnapping for ransom group sa ngayon at ang mga natitira ay ang mga dayuhang dumudukot sa kanilang mga kababayan, partikular ang mga POGO workers, para kikilan ng salapi.

Batid ito ni Gen. Estomo dahil naging hepe rin siya ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG), kaya kabisado niya ang galaw ng mga gumagawa ng pagdukot

Sa pagdisiplina naman sa kapulisan, sinampulan niya nito lang nakaraang linggo ang ilang miyembro ng Paranaque Police matapos iutos ang pagsibak sa puwesto para imbestigahan kung bakit nagkulang sila ng paghahain ng ebidensiya laban sa nahuling suspek na sangkot sa malaking krimeng nangyari kamakailan sa Brgy. Don Galo na nagresulta para iutos ng piskal ang pansamantala niyang paglaya.

Maigting din ang kampanya ni Gen. Estomo sa ilegal na sugal at katunayan, noon lang ding nakaraang linggo, katuwang si Southern Police District (SPD) Acting Director P/Col. Kirby John Kraft, ay pinabuwag niya ang mga mesa ng ilegal na sugal sa Brgy. Alabang sa Muntinlupa City na matagal ding namayagpag dahil may proteksiyon daw ng isang alyas “Buknoy” na nagpapakilalang may koneksiyon sa Camp Crame.

Sa mga ipinakikitang kahusayan at kagalingan ni Gen. Estomo sa pamumuno, ngayon pa lang ay may mga usap-usapan na sa posibleng paghirang sa kanya bilang susunod na pinuno ng Philippine National Police (PNP). Puwedeeee.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa eddreyes2006@yahoo.com

AUTHOR PROFILE