Posas

Estafa suspek swak sa selda

July 29, 2023 Jonjon Reyes 380 views

NABINGWIT ng mga operatiba ng Station Warrant and Subpoena Section ng Manila Police District -Sta. Cruz Police Station 3 ang isang 39-anyos na teacher dahil sa kasong estafa sa loob ng Manila City Jail Female Dormitory, Sta Cruz, Manila, Biyernes ng hapon.

Nakilala lang sa pangalang “Leyne” ang suspek.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Leandro Gutierrez, Station Commander, bandang 3:30 ng hapon, nang makipag coordinate ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni Police Major Billy Ray Canagan sa tanggapan ng MCJ upang ihain ang warrant of arrest.

Inaresto ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Jennifer Escorpezo-Bayaua, presiding judge ng Metropolitan Trial Court, branch 13 ng Manila.

Ipinabatid ni MPD Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon na hindi nagpapabaya ang mga pulis sa pagsugpo sa krimen.

AUTHOR PROFILE