isko

Espiritu: Isko tuloy-tuloy ang serbisyo bilang alkade hanggang hunyo 30

September 26, 2021 Francis Naguit 423 views

TULOY-TULOY ang tungkulin bilang punong ehekutibo ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ni Mayor Isko Moreno Domagoso kahit maghain na ito ng kanyang kadidatura bilang Pangulo ng Pilipinas sa unang linggo ng darating na buwan ng Oktubre.

Ito ang ipinahayag ni Manila City Administrator Felixberto Espiritu kung saan sinabi nito na epektibo ang pagiging Alkalde sa lungsod ni Domagoso hanggang sa darating na Hunyo 23, 2022 kung hindi ito magdedesisyon na bumitiw sa kaniyang tungkulin.

“He will continue as Mayor of Manila until June 30, 2022 except if he resign,” ani Espiritu.

Sa ngayon ay tuloy-tuloy pa din na ginagampanan ni Domagoso ang kanyang tungkulin bilang Mayor sa Maynila kung saan nakapokus pa din ito sa pagtugon na labanan ang pandemya bukod pa ang mga malapit nang matapos na pabahay, pagsasa-ayos ng ospital atbp. proyekto.

Matatandaan na nauna nang nanawagan si Domagoso sa mga kapwa nito opisyal sa Manila City Hall na ipagpatuloy ang kanilang trabaho sa kabila ng kanyang pormal na pag-anunsiyo na siya ay tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas sa darating na 2022 national election.

Aniya, tuloy dapat ang serbisyo sa tao at nais nitong tumutok lang ang kanyang mga kasamahan sa City Hall sa pagtulong sa tao.

Tiniyak din ng alkalde na tuloy pa rin ang takbo ng gobyerno sa kapitolyo ng bansa at gagawin nito ang kailangan niyang gawin bilang Mayor ng Maynila.

Samantala, nanumpa na bilang bagong kasapi ng Aksyon Demokratiko si Doc Willie Ong. Si Ong ay ang napiling vice presidential runningmate ni Domagoso sa darating na national election. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE