Erwan tinuldukan ang isyu ng hiwalayan
WINAKASAN na ni Erwan Heussaff ang balitang hiwalayan nila ng asawang si Anne Curtis.
Inilabas ni Erwan ang side niya sa kanyang social media accounts na may kasama pang picture nila ng asawa sa Singapore.
Sa totoo lang, sa isang blind item ng kasamang Rose Garcia sa Marites University ikinakabit ang hiwalayan. Pero pinabulaanan na ito ni Rose sa isang episode.
Hindi sina Anne a Erwan ang tinutukoy sa BI.
Pero walang tigil pa rin ang haka-haka na hiwalay na ang mag-asawa.
Idinawit pa rito ang sister ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na umano’y kabit ng bayaw.
Sinopla ni Jasmine ang komento ng netizen para pabulaanan ng ispekulasyon, huh!
Ngayong tinuldukan na ni Erwan ang issue, sana naman ay matigil na ito dahil happy family sina Erwan at Anne at ang anak nilang si Dahlia.
ALL-MALE GROUP LAUNCH
INSPIRED ang pangalan ng all-male group na Magic Voyzs sa movie na “Magic Mike” kaya naman bumuo sila ng grupo na sing and dance na, marunong pang umarte.
“Challenge sa buhay ko ang mag-manage ng gruppo na sing and dance. Napansin ko ring patok ngayon ang grupo ng mga lalaki.
“So naisip ko, bakit hindi ako mag-train ng mga lalaki na nagbida na rin sa movies. Nakakaawa rin kasi Gusto ko silang tulungan,” sabi ng manager na si Lito de Guzman.
Ang Magic Voyz ay binubuo nina John Mark Marcia, Juan Paolo Calma, Mhack Morales, Rave Obado, Jace Ramos, Ian Briones at Johan Shane, composer ng lahat ng songs.
Ang title ng songs under Viva Records at LDG Productions ay “‘Wag Mo Akong Titigan” at “Bintana.”
For inquiries, contact Magic Voyz page at 0917-8403522 ng Viva Artist Agency.
Anyway, ngayong gabi, 8 p.m., sa Viav Café ang pormal na launching ng songs nila.
Naku, it’s raining men tonight at may bonus pang female sexy stars, huh!