Erich

Erich ikakasal na sa non-showbiz boyfriend

February 20, 2022 Aster Amoyo 196 views

Erich1Erich2Erich3Erich4ANG 31-year-old Kapamilya star na si Erich Gonzales ay nakatakdang ikasal sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend na si Mateo Lorenzo (29) sa St. James, The Great Parish in Ayala, Alabang sa darating na March 23, 2022. Ang simbahan ay same church kung saan din ikinasal ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna nung January 30, 2016.

Kung hindi dahil sa wedding banns na nakapaskil sa may simbahan ay hindi malalaman ng publiko ang pagpapakasal nina Erich at Mateo na naging pribado ang relasyon from the very start.

Maging ang engagement ng dalawa ay naitago ng couple sa publiko.

It was in 2017 nang unang mapabalita na may bagong non-showbiz boyfriend si Erich habang ginagawa nito ang pelikulang “Siargao” with Jericho Rosales and Jasmine Curtis-Smith at dinirek ni Paul Soriano who also produced the movie under his own Ten17P Film Production. The following year, 2018, ay lumutang na ang tungkol sa bagong boyfriend ng Kapamilya actress, ang young businessman na si Mateo Lorenzo, elder brother ng nobyo ni Claudia Barretto na si Basti Lorenzo, dalawa sa 12 anak ng kilalang businessman na si Martin Ignacio Lorenzo, ang chairman-president ng Teriyaki Boy Group, Inc., Dencio’s Seafood Restaurants at Vice-President for Operations ng Del Monte Philippines at iba pang mga negosyo tulad ng real estate at sugar mill, among others.

Bago si Mateo, si Xian Lim ang unang showbiz boyfriend ng Kapamilya actress na sinundan ng Brazilian-Japanese model-actor na si Daniel Matsunaga. Sinundan sila ng businessman na si Anthony Ng.

Kung tutuusin, mas matagal na ang relasyon ng nakababatang kapatid ni Mateo na si Basti at kasintahan nitong si Claudia Barretto but the two are still young and not ready to settle down yet.

Katatapos pa lamang gawin ni Erich ang kanyang hit primetime TV series na “La Vida Lena.”

ToniroseTonirose1Toni Rose may mga pinagdadaanan

NASAAN na ngayon ang dating “Camay Girl” at TV host-actress na si Toni Rose Gayda, ang kaisa-isang anak ng movie icon at dating Governor ng Philippine National Red Cross na si Rosa Rosal?

Si Toni Rose ay isa sa nagtataglay ng napakagandang mukha sa showbiz na hindi naman kataka-taka dahil minana niya ito sa features ng kanyang estranged parents na sina Rosa Rosal (Florence Danon-Gayda) and her American pilot father na si Walter Gayda.

Toni is of Filipino, Egyptian-Italian and American descent.

Toni married businessman Moonie Lim at nagkaroon sila ng dalawang anak na sina Edward James at John Lim. Pero hindi nagtagal ang pagsasama ng dalawa at ito’y nauwi sa paghihiwalay. The two sons stayed with Toni and her mom until James died of a freak accident nung March 19, 2010 nang ito’y hindi inaasahang mahulog mula sa 4th floor veranda ng kanilang condo in Wack-Wack, Mandaluyong. James was 27 at the time of his death. The other son John (who is sick) is now with Toni’s ex-husband.

Toni is left with her 93-year-old mother na si Rosa Rosal and her caregiver.

Given the chance, gusto pang magtrabahong muli ni Toni bilang host or even a voice talent-dubber na ginagawa rin niya noon.

Matagal na naging TV host si Toni ng “Lunch Date” sa GMA bago nalipat sa Kapuso network ang “Eat Bulaga” at kung saan din siya naging isa sa mga naging co-host ng programa.

Hindi ikinakaila ni Toni na sobra umano niyang nami-miss ang kanyang hosting job sa telebisyon.

Dahil sa pandemic, hindi rin gaanong naglalabas si Toni ng bahay who has to look after her mom.

Kung hindi lamang malakas ang faith ni Toni sa Diyos ay baka matagal na siyang bumigay sa rami ng mga matitinding pagsubok na kanyang pinagdaanan.

She was raised singlehandedly by her mom and she only got to see her dad only once and it happened when she was already in showbiz. Toni is praying na sana’y maging magkaibigan man lamang sila ng kanyang ex-husband na si Moonie alang-alang sa kanilang anak na may sakit na si James.

WilmaWilmaWilma nakatagpo ng lalaking magmamahal sa kanya

IT was in July 2021 nang ibahagi ng model-actress-comedienne na si Wilma Doesnt na siya’y engaged na sa kanyang longtime partner na si Gerick Livelo Parin at pinaghahandaan na ng couple ang kanilang nalalapit na pag-iisang dibdib.

Thankful si Wilma na muli siyang nakatagpo ng taong mamahalin siya at ang kanyang tatlong anak (sa magkakaibang tatay) nang buong-buo.

Now, in their teens, ang mga anak ni Wilma ay sina Asiana, Emilia Svetlana at Araion.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE