Egay Erice & Isko Moreno Pormal na sumanib si Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice (kanan) kasama ang anim na konsehal ng lungsod sa partido ng Aksyon Demokratiko ni Manila Mayor Isko Moreno. Kuha ni JON-JON REYES

Erice pinuri si Isko; Caloocan solon, 6 na konsehal sumanib sa Aksyon Demokratiko 

September 20, 2021 People's Tonight 373 views

MAYOR Isko, nasilip ka namin sa Caloocan, natanaw ka namin sa Caloocan, naramdaman ka namin sa Caloocan. Nakita namin ang iyong tatag at tapang. Ngunit, hindi ka naging marahas.
Nakita namin kung paano mo pinakain at hindi hinayaang magutom ang milyong mga taga-Maynila.”

Ito ang puri ni Caloocan 2nd District Rep. Egay Erice kay Mayor Isko Moreno nang sumanib siya kasama ang anim na konsehal ng lungsod sa partido ng Aksyon Demokratiko ng butihing alkalde.

Kasama ni Erice ang anim na konsehal ng nasabing lungsod na nanumpa kay Moreno sa isang seremonya na ginanap sa Kapitolyo sa Kartilya ng Katipunan Lunes, Setyembre 20, ng umaga.

Kasamang nanumpa ni Erice si Caloocan City Councilors Alou Nubla, Christopher Malonzo, Alex Mangasar, Ricardo Bagus, Jacob Cabochan at Russel Ramirez.

Si Moreno ay “pinarangalan at pinalad” na manguna sa Aksyon Demokratiko sa isang bid na “i-refresh ang mga alaala ng kabataan tungkol sa prinsipyong buhay ni Senador Raul Roco.”

“Welcome po kayo sa Aksyon. Maaari kaming makipagtulungan sa sinuman, tulad ng ipinakita namin sa Lungsod ng Maynila. Kalaban man o kakampi sa pulitika, kasama namin sa pamamahala,” sambit ni Moreno. “Natutuwa naman ako, ang Manila at Caloocan ay may kasaysayan na malalim sa lumang panahon ng pag-aalsa ng mamamayan laban sa pananakop ng Kastila.”

Pinuri pa ni Erice si Moreno dahil sa “mahusay” na ginawa nito sa kanyang administrasyon laban sa pandemya na COVID-19.

Dagdag ni Erice na napansin ng mga mamamayan ng Caloocan ang mga pagsisikap ng pamahalaang Lungsod ng Manila.

“Nakita namin kung paano mo hinanda ang mga pagamutan sa Maynila. Nakita namin kung paano mo pinangalagaan ang edukasyon ng mga taga-Maynila sa kabila ng kahirapan ng pandemya,” ani Erice.

Si Moreno ay nahalal na presidente ng Aksyon Demokratiko na founded nang namayapa nang Senator Raul Roco noong 1997.

Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE