Enrique

Enrique hinihintay ang pagbabalik ni Liza sa local showbiz

September 10, 2024 Vinia Vivar 145 views

Naghihintay pa rin umano si Enrique Gil sa ka-loveteam and (ex) girlfriend na si Liza Soberano na magbago ang isip at magbalik-showbiz na sa ’Pinas.

Napag-usapan kasi ni Ogie Diaz at ng co-hosts niyang sina Mama Loi at Tita Jegs ang mainit na isyung nilayasan na ni Liza ang Careless Management ni James Reid.

Ayon kay Ogie ay napakaraming nagtatanong kung bakit nga nag-unfollow si Liza sa Careless sa Instagram at kung totoong hiwalay na ang dalawa bilang talent-manager.

Sey ni Mama Ogs, ang nakarating sa kanyang balita ay hindi na talaga friends sina Liza at James.

Sa takbo ng usapan nila, tila may kinalaman dito ang dating CEO ng Careless Management na si Jeffrey Oh na matatandaang naaresto last year ng Bureau of Immigration (BoI).

“Ang balita natin ay si Liza ay nandoon at naniniwala kay Jeffrey Oh na ngayon yata ay nasa US of A,” sabi ni Ogie.

Sey naman ni Tita Jegs, kaya kumampi si Liza kay Jeffrey Oh ay dahil dyowa niya ito.

Actually, last year pa nga may tsikang magdyowa sina Liza at Jeffrey Oh na up to now ay wala pang linaw kung totoo ba o hindi.

Sey naman ni Ogie, “Hindi ko alam, kasi ‘yan din ang balita ko. Eh, kasi wala namang problema kung pareho naman silang single.”

Dito na nga na-bring-up sa talakayan si Enrique dahil tinanong ni Mama Loi kung paano na ang LizQuen fans.

Ayon kay Ogie, hindi naman dapat mawalan ng pag-asa dahil anything can happen.

“Puwedeng mabago ‘yung takbo ng isip ni Liza at bumalik siya rito at maging magkapareha ulit sila ni Enrique,” ani Ogie.

Aniya pa, masyadong malalim ang pagmamahal ni Quen kay Liza at naghihintay lang daw ang aktor.

“Feeling ko, ha, nag-iintay lang din naman si Enrique kay Liza dahil grabe, ang lalim ng pagmamahal ni Enrique kay Liza,” sey ni Papa Ogs.

Kaya nga lang daw, tulad ng naibalita na niya noon, wala na sina Liza at Quen.

“’Di ba noon pa? Kaya nga ako binash nang binash ng LizQuen fans dahil bakit ko raw pinangungunahan ‘yung dalawa. Eh, ‘yun naman ang balita. Wala na sila!” saad ni Ogie.

Anyway, naniniwala ang dating manager ni Liza na may babalikan pang career ang aktres sa Pilipinas sakali ngang magdesisyon ito na bumalik na.

“Basta ‘yung dating Liza ay maramdaman ulit ng fans,” aniya.

JAMES IPINAGMALAKI SI ISSA

Proud na proud si James Reid sa girlfriend niyang si Issa Pressman na isa sa Best Dressed awardees sa isang katatapos na ball.

Magkasamang dumalo ang magdyowa sa nasabing ball.

Sa kanyang Instagram account ay ipinost ni James ang mga behind-the- scene moments nila ni Issa sa nasabing event.

Caption ng aktor, “She’s best dressed and I’m most blessed.”

James and Issa were wearing a matching “nude” outfit sa nasabing ball at isa sila sa celebrity couples na agaw-pansin nang gabing iyon.

As usual, inulan ng katakut-takot na reaksyon ang post ni James, both negative and positive.

May masaya para sa kanila at meron ding hindi pa rin matanggap ang kanilang relasyon, especially ang JaDine fans nila ni Nadine Lustre.

AUTHOR PROFILE