Yassi

Engagement video nina Yassi at Jon, kumalat matapos ang hiwalayan

August 18, 2023 Vinia Vivar 241 views

Kung kailan naman sila umamin sa hiwalayan, saka biglang lumabas ang engagement video ni Yassi Pressman at ng ex-boyfriend niyang si Jon Semira.

Kalat na kalat ngayon ang nasabing video na in-upload ng Notion in Motion na siyang nag-cover sa proposal at engagement nina Yassi at Jon.

In fairness, ang bongga ng proposal ni Jon na ginanap sa isang farm sa Bataan na sa tantiya namin ay last year pa.

Ayon kasi kay Jon sa video, nag-meet sila ni Yassi noong 2017 sa Toronto.

It was love at first sight.

“Me and Yas have been together for a bit over five years now. We met in Toronto. Yeah, it was love at first sight, to be honest,“ sey ni Jon.

So, we’re assuming na 2022 naganap ang proposal dahil that time ay five years na silang magkasama.

Ayon pa kay Jon, taong 2018 nang mag-move siya for good sa Pilipinas para kay Yassi.

Mapapanood din sa video ang pagluhod ni Jon hawak ang engagement ring sabay tanong ng “will you marry me?” at umiiyak si Yassi.

May board na inihanda si Jon na mamimili ang aktres kung “yes” o “maybe later” at iki-click nito kung ano ang sagot.

Yassi clicked the “yes” button at mahigpit silang nagyakap.

Makikita rin sa video na dinaluhan ng friends nila ang proposal.

Ang ganda ng engagement, sa true lang, at nalungkot nga ang netizens na nakapanood nito na humantong sa hiwalayan ang dalawa.

Everybody’s wondering what went wrong at ang daming nanghihinayang sa relasyon.

Matatandaang inanunsyo a few days ago nina Yassi at Jon na medyo matagal-tagal na silang hiwalay. Kung kailan eksakto ang breakup ay hindi na nila sinabi pa.

Sa ngayon, wala pang pahayag sina Yassi at Jon hinggil sa kumakalat na engagement video na ito.

AUTHOR PROFILE