Default Thumbnail

Engagement kay Marco dinenay ni Heaven

January 7, 2025 Vinia Vivar 180 views

Itinanggi ni Heaven Peralejo ang tsikang engaged na sila ng boyfriend na si Marco Gallo.

Nagsimula ang spekulasyon na ikakasal na ang MarVen dahil sa isang post ni Marco kung saan ay makikitang “fiancé” ang pangalan ni Heaven sa kanyang cellphone.

Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibinalita niyang tinanong niya si Heaven mismo kung engaged na ba ito with Marco at sagot naman ng aktres ay, “Not true, tito.”

Kung sakali raw ay sasabihin naman niya agad ito.

Ayon kay Ogie, maaaring term of endearment lang ni Marco sa girlfriend ang “fiancé.”

Matatandaang last November, 2024 isinapubliko ng MarVen ang kanilang relasyon via Instagram. Binati ni Marco si Heaven sa kaarawan nito at tinawag niya ang aktres na “mahal.”

Sumagot naman si Heaven ng “I love you.”

AUTHOR PROFILE