
Empleyado nakitang patay sa rice mill
ISANG bangkay ng lalake noong Linggo ang natagpuan sa rice mill sa Brgy. Malaya, Pililla, Rizal.
Ayon sa mga pulis ang bangkay ay 67-anyos na empleyado ng nasabing rice mill at nakatira sa Sitio Mahabang Sapa, Brgy. Halayhayin, Pililla, Rizal.
Napag-alaman sa imbestigasyon na bandang 8 a.m., ika-9 ng Marso 2025 nang matagpuan ni Ben Soriano , 60, Barangay Peace Safety Officer (BPSO) ang wala ng buhay ng kanyang katrabaho.
Agarang ini-report ang insidente sa mga otoridad ng Pililla Municipal Police Station.
Walang nakitang sintomas na nakipaglaban o foul play ang lalaking natagpuang patay.