
Ellen sinabihang ‘psycho’ ang ina
NAWINDANG ang model-actor na si Derek Ramsay sa komento sa kanyang mother-in-law na galing mismo sa kanyang asawa at aktres na si Ellen Adarna.
Sa isang Instagram post nitong Miyerkules, Setyembre 20, ibinahagi ni Derek ang ilang larawan kasama ang kanyang pamilya at maging ang kanyang biyenan na ipinagdiriwang ang kanyang kaarawan.
Sey pa nga ng model-actor na masuwerte siya sa pagkakaroon ng biyenan na itinuturing niya bilang ikalawang “Mama.”
“I’m very lucky to have you as my second Mama. We love you!! No return, no exchange!“ pahayag ni Derek sa caption ng kanyang IG post.
Nagkomento naman si Ellen sa post ng kanyang asawa.
“She’s psycho,“ saad ng celebrity mom.
Nawindang naman si Derek sa sinabi ng kanyang asawa at nagbigay pa ito ng reply sa comment.
“Gaga ka talaga,” sey ni Derek kay Ellen.