Ellen hate magpa-breastfeed
Prankang inamin ni Ellen Adarna na hindi siya nag-e-enjoy sa pagpapa-breastfeed sa baby nila ni Derek Ramsay.
Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ng dating sexy actress ang larawan niya na may naka-attach na breast pump sa dalawang boobs.
Tila nagpa-pump siya ng kanyang gatas para sa baby girl nila ni Derek.
Sa caption ay sinabi niyang hate na hate niya na magpa-breastfeed at mag-pump ng gatas.
“The thing i dont like the most. Breastfeeding / pumping,” aniya.
Sey pa niya na netizens, “If you enjoy it, good for you lol. K tnx bye.”
Pero in fairness kay Ellen, kahit ayaw niyang magpa-breastfeed ay ginagawa pa rin niya for the sake of her baby.
Matatandaang nabanggit noon ng wifey ni Derek na nagpa-breastfeed din siya sa panganay niyang anak na si Elias hanggang eight months.
PINUSUAN NG NETIZENS
Pinusuan ng maraming netizens ang pagdalo ni Dominic Roque ng block screening ng “Hello, Love, Again” na pinagbibidahan ng friend niyang si Kathryn Bernardo at ni Alden Richards.
The block screening was sponsored by celebrity doctor Aivee Teo.
Ibinahagi ni Dominic sa Instagram ang mga larawan event na dinaluhan din ni Kathryn. Wala sa mga photo si Alden.
Makikita sa isang larawan na nakayakap pa si Kathryn kay Dominic na parang siya ang leading man ng aktres sa pelikula, huh!
In fairness, wala kaming malisyang naramdaman sa yakapan nila at mukhang yakap-magkapatid lang talaga.
Anyway, ang sweet ng caption ni Dom at obvious na happy siya sa success ni Kath.
“Hello, Love, Again. Congratulations Brooo! I’m proud of you! Lam ko pagoood, sayaaa, trinabaho mo talaga to, pinag handaan mo talaga, at kung anu anu pa!” sey ni Dom.
“Ang gagaling nyo, ang ganda ganda ng pelikula, sulit na sulit! Congratulations po sa lahat ng bumubuo ng Hello, Love, Again,” pagbati pa ng dating aktor.
Nagpasalamat naman ang fans ni Kathryn kay Dominic sa pagiging supportive friend nito pero ang ibang netizens ay talagang tinutukso pa rin sila.
Matatandaang matagal nang nali-link sina Kathryn at Dom dahil sa kanilang friendship kahit na paulit-ulit nilang nililinaw na good friends lang sila.