Ellen binantaan si Derek
Kung si Derek Ramsay lang ang masusunod, gustong-gusto na niyang ipakita sa publiko ang mukha ng baby girl nila ni Ellen Adarna na si Liana.
Sa latest Instagram post ng aktor ay nag-upload siya ng larawan ng panganay na anak nila ni Ellen pero may cover pa rin ang face nito.
Sa caption ay sinabi ni Derek na gusto na niya talagang i-face reveal si Liana pero papatayin daw siya ng kanyang asawa.
“I really want to post her beautiful face but my wife will kill me! I love you @maria.elena.adarna,” sey ni Derek.
Sa comment section ay sumagot si Ellen at binantaan ang mister.
“Dont dyd (don’t you dare)! Dont me,” ang warning ni Ellen sa mister.
Hati rin naman ang opinyon ng netizens kung dapat bang ipakita na ang face ni Liana sa publiko. May nagsabing excited na sila na makita ang hitsura ng baby pero may nagpayo ring huwag munang ipakita dahil masyado pa itong bata.
Kahit hindi pa nga nakikita ang face ni Liana ay marami na ang humuhula na napakagandang bata nito at kamukha ng mommy niya.
Matatandaang nanganak si Ellen sa panganay nila ni Derek last October, 2024.