Ellen Larawan mula sa IG/@maria.elena.adarna

Ellen Adarna tinawag na ‘immature’ si Derek Ramsay

December 7, 2023 People's Tonight 134 views

TINAWAG na ‘immature’ ng model-actress na si Ellen Adarna ang kanyang partner na si Derek Ramsay sa mismong kaarawan nito.

Sa Instagram page ni Ellen, ibinida niya ang mga larawan ng kanyang asawa para batiin ito sa ika-47 kaarawan nito.

Isa sa mga larawang in-upload ng internet celebrity ay makikitang dumedede sa baby bottle si Derek. Habang ang ibang larawan naman ay ang kanilang sweet moments na mag-asawa.

Hiniritan naman ng biro ni Ellen ang kanyang birthday greeting para sa kanyang mister, sey niya ay ‘immature’ raw ito.

“Happy Immature Birthday My Love! My GOR! I love you soooo very very very much! You make me feel young, happy, content, lucky and blessed,” pahayag ng model-actress.

Hindi naman napigilang mag-react ni Derek sa mensahe sa kanya ni Ellen.

“Type na type mo naman ako!!!!!” komento niya sa post ni Ellen.

Inulan naman ng pagbati at reaksyon mula sa netizens ang nasabing post.

“Being immature is a secret of happiness and keeping happy the couple. Too serious is boring.”

“You two look happier than ever.”

” I died.. love your humor talaga maam Ellen.”

AUTHOR PROFILE